^

PSN Showbiz

Fans napepekean sa emote ni Claudine sa birthday ni Rico Yan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Fans napepekean sa emote ni Claudine sa birthday ni Rico Yan!

Muling nanariwa ang isyu nina Claudine Barretto at ng namayapang aktor na si Rico Yan nang mag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng mensahe sa kaarawan ni Rico.

Bukod kay Claudine, meron pang ibang malalapit na kaibigan ni Rico ang bumati sa kanyang kaarawan kamakalawa lang na kung nabubuhay lang ito, isi-celebrate na niya sana ang kanyang 44th birthday.

Ilang fans ang sumira sa madamdaming post ni Claudine na sinasabi niyang “My luv & my Life, always & forever.” May pinatulan nga siyang isang follower na tila sinumbatan siyang bakit pinili niya si Raymart Santiago nung nabubuhay pa si Rico.

Pinatulan iyun ni Claudine na sinagot niyang wala pa raw sila ni Raymart bago namatay si Rico.

Kinuyog ng fans ni Claudine ang follower na nag-comment nun. Pero may ilang pa ring naalala ang buong pangyayari, at hindi sila nakumbinse sa isang quote card na ipinost ni Claudine kahapon.

Sabi dun sa quote; “I thought of you today but that is nothing new. I thought about you yesterday and the days before that too. I think of you in silence, I often speak your name. All I have are memories and your picture in a frame. Your memory is a keepsake from which I’ll never part. God has you in his arms. I have you in my heart.”

Ang caption niya sa post na iyun; “In my heart every single day RY.”

Marami ang nabagbag sa post na iyun ni Claudine, pero may ilang hindi kumbinsido at pretentious ang dating sa kanila.

Ilang fans ang nagpaalala kay Claudine na namatay ang aktor na masama ang loob sa kanya.

Meron pang isang nag-comment na nag-condolence sa pagpanaw ng kanyang tiyahin. Bakit daw wala man lang itong nai-post kung nakapunta siya sa burol ng namayapang tiyahin, samantalang may pa-tribute pa ito kay Chokoleit, at nag-emote na ito ngayon kay Rico.

Marami naman ang naniwala sa post na iyun ni Claudine, pero tila kilalang-kilala ng ilang nagku-comment ang aktres kaya hindi sila kumbinsido at nape­pekean sila sa post na iyun.

Jennifer Lee no. 1 DJ na sa ‘Pinas

Isa si Jennifer Lee sa mga miyembro ng Viva Hotbabes na hindi nagpabaya ng sarili.

Nung nanamlay na ang sexy group na ito, hindi nagpabaya si Jennifer. Nag-aral ito ng Culinary Arts, kaya ngayon ay isa siya sa pinakaseksing chef na maganda ang takbo ng commissary kitchen, ang The Healthy Cheffy na kung saan nagdi-deliver siya ng mga healthy diet foods sa kanyang mga kliyente.

“Kasi that’s one of my courses, digital marketing. So, I was able to apply yung knowledge  and digital marke­ting in the business,” masayang kuwento ni Jennifer sa nakaraang mediacon ng pelikulang Maria ni Cristine Reyes.

May sarili na rin siyang cooking show sa Viva TV na kung saan kasama niya rito si Luigi Muhlach.

Natatawa nga si Jennifer na kinuwento sa amin dahil nagmi-meeting daw sila sa Viva para sa kanilang cooking show, nasa kabilang room lang daw ay production meeting naman nina direk Pedring Lopez para sa pelikulang Maria.

Tsinika raw niya si direk Pedring at inalok ang sarili na baka may pupuwedeng role sa kanya. Ayun! Nakuha ni Jennifer ang role ng makakalaban ni Cristine.

Matindi raw ang action scenes nila pinuri nga ng mga nakapanood.

 Bukod sa pag-arte at pag-asikaso sa kanyang The Healthy Cheffy, bentang-benta rin si Jennifer sa pagdi-DJ sa mga events, at pakanta-kanta sa mga fiesta at mga political sorties.

 “Sa kanila pong tatlo, I’m more established as a DJ coz, I was awarded as the Philippines Best DJ for three years in a row, by Aliw awards,” pagmamalaki ni Jennifer.

Siya raw ang napiling number 1 DJ sa Pilipinas, number 10 siya sa Asia, at no. 44 siya worldwide.

“Everything is important to me, may music, may DJ career, my cooking career as a chef,” sabi ni Jennifer.

Gusto na rin daw sana niyang tuluy-tuloy na ang acting career niya at proud daw siya sa ginawa niya rito sa action film na Maria na mapapanood na sa March 27.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

JENNIFER LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with