^

PSN Showbiz

Bea binuko kung paano nag-umpisa ang career!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Swerte ni Bea Alonzo na nang una siyang makita ni Charo Santos-Concio ay naghahanap sila ng artistang babae na katipo ni Kristine Hermosa. Kasing ganda at kasing husay na artista ni Kristine si Bea na trese anyos lamang nun pero, talagang naghahangad nang maging artista. Agad siyang inirekomenda ni Charo kay Mr. M (Johnny Manahan), isang mahusay na direktor at namamahala ng Star Magic na agad pinatawag at pinapag-audition si Bea. Mabilis namang naipasa ni Bea ang kanyang audition at natanggap agad na artista.

Sinabi ni Bea na pamilyar sa kanya ang dati niyang boss sa ABS-CBN at itinuturing na mentor dahil nakalakihan na niya ang panonood ng Maalaala Mo Kaya at pinangarap din niya na makalaXbas sa show na nagsimula sa pagtatampok ng mga magagaling lamang na artista nun at hanggang ngayon.

Naging most loved ang in demand and loveteam nila ni John Lloyd Cruz kahit pa hindi nila naipagkaloob sa mga tagahanga nila ang romansa na hinahangad nila.

Instead, kay Gerald Anderson siya sinuwerte na hindi namang nagsisilbing balakid para tanggapin siya with other leading men. Tinanggap din ang tambalan ng aktres kay Aga Muhlach, bago ito pumatok siya bilang mistress ni Ronaldo Valdez na hindi nakaapekto sa maganda niyang imahe. Magkasama sila ngayon ni Charo sa Eerie ni Mikhail Red na magkaroon ng magkasabay na release locally and internationally.

Kawalan ng tubig pwedeng maging depresyon

Sana nga peke ang kawalan natin at walang taros na pag-iigib ng tubig. Mahuli na sana ang mga nagpasimuno nito at maparusahan na sa laki ng pasakit na ibinibigay nila sa mga mamamayan.

I cannot imagine my life na walang tubig kahit da­lawang araw lang. Daranas ako ng depresyon. Sana nga agad malutas ng gobyerno ni Pres. Digong Duterte ang problemang ito.

EB at Showtime naging kupido

Parehong may dating game ang Eat Bulaga at It’s Showtime. Kung nakakatawa ‘yung sa It’s Showtime dahil may mga edad na ang kinukuha, para naman sa mas nakakabata ‘yung sa Eat Bulaga na sana bigyan ng follow-up ng dalawang shows ang kinahinatnan ng pagdi-date ng mga napipiling partner para maka-attract ng marami na sumali rin.

Matatag!

Naka-33 years na pala ang Pilipino Star NGAYON. Kita nga na sa rami ng nagsasarang mga babasahin at tabloid, matatag pa rin ang PSN na sinimulan ng pamilya Belmonte sa pangunguna ng namamayapa nang si Betty Go Belmonte na siyang tumanggap sa akin sa trabaho at isa sa pinakamabait na boss na nakilala ko ilang buwan pa lamang nagsisimula ang PSN.

Nagbigay ito ng maraming trabaho sa maraming nangangailangan na tuma­gal sa kanilang trabaho ng masaya at kuntento sa pamamahala ni ­bossing Miguel Belmonte.

Noon at hanggang ngayon, patuloy ang PSN sa paglalathala ng mga disenteng balita at lathalain.

Happy anniversary sa aming lahat at salamat sa patuloy na pagtangkilik ng aming mga mambabasa.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with