^

PSN Showbiz

Nadine Lustre may anggulong hawig kay Heart Evangelista!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Nadine Lustre may anggulong hawig kay Heart Evangelista!
Heart at Nadine

SEEN: Pinupuri ng mga film critic ang Ulan. Puring-puri din ng moviegoers ang acting at ang strong screen presence ni Nadine Lustre sa pelikula ng Viva Films na palabas sa mahigit sa 190 cinemas nationwide.

SCENE: Kasabay ng pagbubukas ng Ulan sa mga sinehan noong March 13 ang paglabas ng sexy pictorial at videos ni Nadine Lustre para sa kanyang swimwear line at bilang celebrity endorser ng H&M Swim Essentials.

SEEN: May mga anggulo na kahawig ni Heart Evangelista si Nadine Lustre sa mga eksena nito sa Ulan. Marami ang humahanga sa transformation ni Nadine mula nang magbida siya sa Diary ng Panget noong 2014.

SCENE: Ginunita kahapon ng mga kaibigan ni Rico Yan ang 44th birth anniversary ng aktor na binawian ng buhay noong March 29, 2002. Isa si Marvin Agustin, ang lead actor ng Inagaw Na Bituin ng GMA-7, ang nagbigay-pugay sa alaala ni Rico.

“Happiest birthday my brother... hinding hindi ko makakalimutan ang mga saya at kalokohan natin. Lalo na ang friendship at kabutihan mo. Si Dominic Ochoa, tumatakbo bilang konsehal. Ibulong mo diyan kay Lord na manalo, ok tong bata natin. Ako naman patuloy na nag-aartista at nagne-negosyo. Masaya ako sa mga narating namin, madami pa pangarap pero may saya at payapa na isip at puso.”

SEEN: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Onanay, ang top-rating primetime drama series ng GMA-7. Pitong buwan na napanood sa telebisyon ang Onanay.

SCENE: Makikisaya ang cast ng Kara Mia, Inagaw na Bituin at TODA One I Love sa month-long celebration ng Araw ng Dabaw na magsisimula ngayon, March 15, 2019.

May mall show ngayong hapon, 3 pm sa Gaisano Mall Toril ang Inagaw Na Bituin stars na sina Kyline Alcantara, Therese Malvar at Manolo Pedrosa.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with