^

PSN Showbiz

‘Man of the hour’

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
�Man of the hour�
Arjo

Ang daming papuring tinanggap ni Arjo Atayde dahil sa mahusay niyang pagganap ng role ng barberong si Benjo sa IWant original series na Bagman na mapapanood na sa March 20 na may tatlo pang episode sa March 27 at tatlo pang huling kabanata sa April 3.

Todo ang suporta sa kanya ng mga kasamahan niya gaya nina Chanel Latorre, Yayo Aguila, Allan Paule, Raymond Bagatsing at ang tatlong lala­king producer ng Rein Entertainment na sina Shugo Praigo, ang sumulat at direktor ng Bagman, Lino Ca­yetano, at ang mahusay na direktor na pahinga muna sa kanyang trabaho at magtutuon muna ng pansin sa serbisyo publiko para sa kanyang pagtakbo bilang mayor ng Taguig, si Phillip King.

Nakakatuwa na hindi lumalaki ang ulo ni Arjo sa mga walang patumanggang papuri na binitawan ng kanyang mga kasamahan para sa kanya. “Binasa ko lang ang script, isinapuso at sinunod ang instruction ng direktor na tulad din ng ginawa ko sa mga nakaraan kong projects,” anang aktor na maituturing na “man of the hour” na bongga ang career at maging ang lovelife.

Inamin nito na katuwang niya sa kanyang kaligayahan ang kasalukuyang love of his life na si Maine Mendoza.

Maine-Daniel tandem cheap kung pipilitin!

Napaka-cheap naman ng kaisipan ng ma­­ra­mi na hinihiling na magka­sama rin sa isang project sina Daniel Padilla at Maine dahil lamang may movie sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Let us just hope na pumatok ang bagong tambalan at baka mag-iba ang takbo ng showbiz. May nakikita na ba kayong chemistry sa dalawa, this early?

Pagsasalita ni Gabby hinihintay

Dapat sagutin na ni Gabby Concepcion ang akusasyon ng kapatid niyang si Miguel Concepcion tungkol sa diumano’y pagbenta niya ng lupa ng kanilang ina ng wala itong pahintulot. Hinihintay ng mga fans niya na mailabas niya sa gusot ang kanyang sarili.

Maja maaapektuhan ang career pag nag-asawa

Maaari na nga bang mag-asawa si Maja Salvador sa puntong ito kung saan ang kanyang karera ay mas pinalalaki pa ang kanyang pangalan? Sa gulang na 30 ay masasabing napaka-bata pa niya para iwan ang kanyang karera in favor of marriage.

Marami pa siyang puwedeng ma-accomplish at makakaabala sa kanya ang pagkakakaroon ng asawa. Marami ang nag-aakala na baka sa pagpapakilala niya ng kanyang binalikang boyfriend ay nag-iisip na siya ng mas seryosong pakikipagrelas­yon. Tama ba, Maja?

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE-DANIEL TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with