^

PSN Showbiz

Jeff Canoy, tatalakayin ang estado ng emergency at rescue sa bansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ika-limang anibersaryo ng Red Alert sa ABS-CBN, tututukan ni Jeff Canoy ang kasalukuyang lagay ng emergency at rescue sa Pilipinas bawat Miyerkules ng Marso.

Samahan si Jeff na kilalanin ang mga taong hindi lang trabaho kundi misyon ang magligtas ng buhay ng kapwa tulad ng mga bombero, emergency responder, doktor, at komadrona sa barrio sa programa, na umeere ng 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Kagabi ay nakapanayam ni Jeff si Arkie Castisimo na sampung taon nang rumeresponde sa mga insidente ng sakuna sa limang barangay ng Commonwealth sa Quezon City.

Hindi madali ang trabaho ni Arkie, kung saan bawat segundo ay mahalaga para maisalba ang buhay ng tao, at kung saan nalalagay pa ang sarili nilang buhay sa peligro.

Huwag palampasin ang handog ng Red Alert sa ika-lima nitong anibersaryo tuwing Miyerkules, 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

vuukle comment

JEFF CANOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with