^

PSN Showbiz

Mylene kumpirmadong sinundan si John!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mylene kumpirmadong sinundan si John!
Mylene

Nasa Kapuso network na rin pala si Mylene Dizon.

Bahagi ang magaling na aktres sa bagong drama series ng GMA 7 na Sahaya na magsisimula na sa March 18.

Kagabi lang sila ini-launch sa media, pero marami na curious dito dahil sa teaser pa lang ay nakita na ang kaseksihan ni Bianca Umali, at may pa-topless din si Miguel Tanfelix.

Pero ang isa sa nagulat kami ay bakit sa GMA 7 na si Mylene? Posibleng magkatrabaho kaya sila ni John Estrada?

Sabi naman ni John nang nakausap namin, mas mabuting huwag na lang daw muna silang magsama para hindi na mapag-usapan uli ang isyu nilang dalawa.

“Hindi naman sa ayaw, pero huwag na, di ba? Ang dami naman diyan na puwede niyang makasama, puwede ko rin makasama,” mahinahong pahayag ni John.

Wala naman daw siya sa lugar na alamin pa kung bakit lumipat ng GMA 7 si Mylene, karapatan naman daw ng tao na magtrabaho.

Kung gusto raw ni Mylene na ma­ging Kapuso, karapatan naman daw niya iyun. Wala rin daw siya sa lugar na pigilan o pakialaman ito.

“May pamilya yung tao eh. Siyempre naman, eh hindi naman tayo, di ba? I mean siyempre, trabaho yan eh,” sabi pa ni John.

“I’m sure kailangan naman niya ng trabaho,” dagdag niyang pahayag.

As of presstime, hindi pa namin nakatsikahan si Mylene, kaya bukas na lang ang kanyang pahayag.

Nakakapagtaka lang kasi dahil hindi naman siya nawawalan ng trabaho sa Kapamilya network, tapos biglang naging GMA 7 na siya.

Kambal ni Korina, si dra. Belo ang nagrekomenda ng doktor!

Tuluy-tuloy pa rin pala ang mga kasong isinasampa sa negosyanteng si Kathlyn Dupaya.

Nakapagpiyansa na si Dupaya sa kasong isinampa ni Joel Cruz, pagkatapos daw itong makulong ng dalawang araw.

Dapat ay pag-usapan na lang daw nila ito at ayusin bago sila nag-mediation pero nagsisinungaling pa rin daw ito, at ayaw aminin kung magkano talaga ang utang ni Dupaya sa kanya.

“Panay kasinungalingan kasi ang mga sinasabi niya.

“Ang principal kasi na utang niya sa akin, 20 million and 250 thousand pesos. Pero sabi niya 5 million lang daw ang utang niya. Kaya nawalan na kami ng gana.

“Nung sinabi nung abogado niya na 5 million lang daw ang utang niya, sabi ko. ‘Ayoko na makipag-usap sa kanya kasi hanggang ngayon nagsisinungaling pa rin siya. Kaya dineretso na namin yung case na yun,” pahayag ni Joel Cruz.

Marami pa raw naglabasan na naloko diumano ni Dupaya kaya nag-file na raw sila ng Syndicated Estafa dahil non-bailable daw ito.

“Kaya pinu-push namin talaga ito, kasi non-bailable siya,” sabi pa ni Joel.

Si Ynez Veneracion nga raw ang isa sa nag-file ng kaso laban dito kay Dupaya.

Samantala, natanong na rin namin kay Joel ang tungkol sa pagkakaroon ng kambal nina Korina Sanchez at senatoriable Mar Roxas.

Matagal na raw siyang kinausap ni Korina tungkol dun, pero wala raw siyang naitulong kasi ang pagkakaalam daw niya, ang kinuha raw nitong doktor ay iyung kinuha rin daw noon ni Dra. Vicki Belo.

“Kinuwento na nga sa akin ni Korina before pa. I think after marriage nila, nagpa-preserve na siya ng egg cells niya sa Singapore pa.

“Nasabi kasi sa akin ni Belo, parang the same doctor sila,” pakli ni Joel.

Natuwa raw siya para kay Korina dahil naging successful daw agad at nakita nga raw niyang ang cute ng kambal nina Mar at Korina.

Naka-walong anak na nga si Joel at pinag-iisipan pa raw niya kung dadagdagan pa ba niya ito.

By end of this month ay pabibinyagan na raw niya ang bunsong anak niya through surrogacy.

vuukle comment

MYLENE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with