^

PSN Showbiz

Chokoleit huling palabas na ang Fantastica!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Chokoleit huling palabas na ang Fantastica!
Chokoleit

SEEN: Sina Coleen Garcia, Ryza Cenon, Pops Fernandez, Paulo Avelino, Enchong Dee at ang The Juans ang mga kasama ni Chokoleit na nag-perform sa Abra Kawayan Festival 2019 nang bawian siya ng buhay noong Sabado, March 9, 2019. Hindi makapaniwala ang mga nabanggit na artista sa sudden death ng komed­yante.

SCENE: Jonathan Aguilar Garcia ang tunay na pangalan ni Cho­koleit na pumanaw sfa edad na 46 dahil sa heart attack. Huling napanood si Chokoleit sa Fantastica, ang comedy movie ni Vice Ganda na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018. 

SEEN: Hingal na hingal at hirap nang huminga si Chokoleit nang mag-perform ito sa Abra Kawayan Festival. Namumutla na siya nang umakyat at buma­ba mula sa mataas na hagdan. Tinapos agad ni Chokoleit ang performance niya dahil hirap na siya sa paghinga at nang bumalik siya sa backstage, narinig ng audience ang paghingi ng tubig para kay Chokoleit.

SCENE: Ang caption ni Pops Fernandez sa selfie picture nila ni Chokoleit na kuha bago nag-perform ang komedyante: “This photo was taken right before Chokoleit’s performance in Abra. I asked him how he was doing since I haven’t seen him in a long time. His reply, ‘I am doing very well. I’m in a good place. Nakaipon na po ako’. I told him how happy I am for him.......... I am still in shock. Chokoleit, thank you for the laughter. You made the people laugh one last time. RIP.” 

SCENE: Madaling-araw na nang mag-perform si Paulo Avelino sa Kawayan Festival kaya alam na niya ang malungkot na nangyari kay Chokoleit. Inialay ni Paulo sa namatay na komed­yante ang unang kanta niya.

SEEN: Makikitid ang isip ng mga nagsasabi na nahulaan ni Pokwang ang mangyayari kay Chokoleit dahil sa comment niya sa Instagram post ng komed­yante noong January 9, 2019.

“Tapos niyan patay ka na I’m sure!!! Hahahahhaaa waz up madlang pipol nga lang sa Showtime kulang na lang sa’yo oxygen sa hingal bwahahahaaaa Chokoleit Garcia RIP!! @hot_chokoleit bwahahahahaha katapusan mo na!,” ang biro ni Pokwang kay Chokoleit na binigyan ng malisya at ibang kahulugan ng mga Pilipino na naniniwala sa mga pamahiin. Dati nang personal ang mga pang-iinsulto at biruan nina Pokwang at Chokoleit sa isa’t isa. Ninong si Cho­koleit ng anak na bunso ni Pokwang.

Related video:

vuukle comment

CHOKOLEIT

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with