^

PSN Showbiz

Hollywood movie ni Heart hindi sigurado kung mapapalabas dito!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hollywood movie ni Heart hindi sigurado kung mapapalabas dito!
Heart

Hindi sure si Heart Evangelista kung mapapanood dito sa atin ang international film na tinapos niya sa Amerika.

“It’s not for here, pero hopefully, lumabas din siya rito,” pakli ng Kapuso actress sa launch ng Love Mari x Kamiseta collection sa Kamiseta store sa Trinoma, Quezon City.

Proud naman si Heart sa ginawa niya kaya sana magawan ng paraan na maipalabas dito sa atin.

“I really wanna show Filipinos what I did.

“Sobrang hirap! I’ve never done anything like this in my life. So, it was very physically tiring,” saad ni Heart.

Sa susunod na buwan ay lilipad na naman siya uli pa-Amerika para sa isa pang international movie na gagawin niya. Baka aabot daw siya ng isang buwan doon.

“Grabe nga, hindi ko nga alam! At 34, parang nagulat ako.

“Parang hello…ba’t nagdatingan ang ano? But you know…galing, nakakatuwa,” sabi pa ni Heart.

Kaya mukhang wala munang naka-line up na drama series para sa kanya dahil sa mga commitments niya sa ibang bansa.

Pero magiging bahagi siya sa Starstruck bilang isa sa mga uupong judges.

Mabuti at naintindihan naman daw siya ng GMA 7, dahil sabi nga niya ‘bigger picture’ naman daw itong pinasok niya na mapasama siya sa ilang international films.

Pero sa kabila nito, may isa pang pinagkakaabalahan si Heart, itong pagiging brand ambassadress niya sa Kamiseta na kung saan mga paintings pa niya ang gagamitin sa mga damit at scarves na dagdag sa mga ibinebenta ng Kamiseta.

“I’m very happy, siyempre, dahil pinaghirapan ko rin ‘yung mga painting… and to be officially part of Kamiseta is such a huge deal for me,” nakangi­ting pahayag ni Heart.

Tuwang-tuwa nga ang may-ari ng Kamiseta na si Ms. Cris Roque dahil maganda nga ang collaboration nila ni Heart.

Bumagay daw sa mga collection nila ang mga paintings ng Kapuso actress.

Mabilis nga naibenta ito, na halos naubos na nung ini-launch nung nakaraang Sabado.

Bukod sa pagiging endorser, kinuha na ring Creative Director si Heart, kaya very positive si Ms. Cris Roque na maganda at productive itong collaboration nilang dalawa.

Matagal nang nakilala ang Kamiseta lalo na’t nagsimula sila sa mga international celebrities na endorsers gaya nina Reese Whiterspoon, Natalie Port­man, Kate Hudson, Katie Holmes, Alicia Silverstone, Natalia Vodia­nova, at Petra Nemcova.

Pagkatapos nun ay isang taon ding in-endorse ito ni Kris Aquino at sumunod si Gretchen Barretto na maganda rin daw ang kinalabasan.

Pero sa ngayon, bilang Creative Director na rin si Heart, mukhang pangmatagalan na ito.

“I decided to get Heart as Creative Director aside from the fact na she’s an epitome of a Kamiseta girl, her paintings fit very well sa brand, and the way she dresses up, her outlook in life, her fashion sense, the way she carries herself, swak siya sa brand, plus we have so much in common talaga.

“Our ideas are alike. We have the same dreams—we are alike in so many ways—shy and older version lang ako,” napapangiting pahayag ni Ms. Cris Roque.

“She is like a daughter to me—we get along very well and we enjoy the same things and we have a lot of ideas that are the same and exciting so I felt that Creative Director of Kamiseta is a fitting title for her,” dagdag niyang papuri kay Heart.

Chokoleit halata ang paghihirap sa last performance

Ang bilis na kumalat ang video ng huling performance ni Chokoleit sa Abrenian Kawayan festival sa Bangued, Abra nung kamakalawa ng gabi.

Ipinost iyun sa Facebook ng isang miyembro ng bandang The Juans na si Carl Guevarra.

Kaagad na kumalat ang shocking news na iyun, at sunud-sunod na ang post ng mga komedyante na naging close at nakatrabaho niya.

Nasilip namin ang video ng performance ni Chokoleit sa Abra, medyo mataba na nga siya at kitang-kitang hirap na hirap siya sa kanyang performance.

Nahahalata talagang iba ang pakiramdam niya, kaya iyun na nga ang huling pagpapasaya niya sa mga tao.

Kaya pinuri siya ng kanyang professionalism dahil sa kabila ng nararamdaman niya, talagang itinuloy niya at tinapos ang buong performance niya bago bumigay ang katawan niya.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with