^

PSN Showbiz

Female personality at kaibigang ‘di artista nawasak ang malalim na relasyon dahil sa bata

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag kapakanan na ng anak ang nakasalalay, pinakamatibay mang pagkakaibigan ay nasisira, nagkakaroon ng lamat. At magkasundo man sila ay hindi na babalik uli ang dating samahan.

?Ganu’n mismo ang naganap sa kuwento ng pagkakaibigan ng isang female personality at ng isang hindi naman artista pero parang artista na rin dahil sa kanyang karelasyong aktor.

?Kuwento ng aming source, “Sayang na sayang ang friendship nila, ang lalim-lalim na nu’n, parang wala nang makakaapekto pa sa kanila. Napakalaki ng utang na loob na dapat tanawin nu’ng female personality sa friend niya dahil nu’ng walang-wala pa siya, e, ‘yun ang takbuhan niya!

?“Hindi niya puwedeng idenay ‘yun! Halos lahat ng kailangan ng mga anak niya, ang friend niyang ‘yun ang sumasagot. Literal silang binuhay nu’ng friend niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

?Pero nasukat ang kanilang pagkakaibigan nang malagay sa alanganin ang anak ng kaibigan ng aktres. Inupak-upakan ang anak nito nang dahil sa kanyang anak na sikat.

?“Talagang na-bash nang husto ang anak ng friend niya, halos sumpain na ng mga fans ng anak niya na may ka-loveteam, iniyakan nang husto ‘yun ng kaibigan niya!

?“Ang masakit lang, e, walang nagawa ang female personality para pahintuin ang mga namba-bash sa anak ng friend niya, kasi nga, siya naman ang bubuweltahan ng mga ‘yun!

?“Malalagay siya sa alanganin, mababawasan ang mga supporters ng anak niya at ng loveteam, ‘yun ang mas mahalaga sa kanya na huwag mangyari dahil pinggan ng kabuhayan showcase ng family nila ang anak niyang sikat!

?“Nu’ng nagising sa katotohanan ang friend ng female personality na ganu’n lang pala ‘yun kadali para pabayaan lang ng kaibigan niya ang ginagawang paninira-pamimintas ng mga fans sa anak niya.

?“Medyo okey na sila ngayon, pero hindi naibalik ang dati nilang samahan. Ingat na ang friend ng female personality, nagkaleksiyon na siya, hindi naman pala niya maaasahan ang babaeng ‘yun para dumepensa para sa kanilang mag-ina dahil natatakot ang girl na magalit ang mga fans ng anak niya!

?“Ikinakabit ngayon sa pangalan ng female personality ang kawalan ng pagtanaw ng utang na loob. Napakalaki ng naitulong sa kanila ng friend niya, pero nabalewala lang ‘yun dahil sa takot niyang kumawala ang matinding suwerte sa buhay nilang mag-ina!” naunsiyaming pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Gretchen nangati na naman ang kamay!

Nag-piano na naman sa kanyang gadget si Gretchen Barretto. Nangati na naman ang kanyang kamay, kinapos na naman siya sa sawsawan, kaya nangapitbahay siya sa post ni AiAi delas Alas.

?Ang kuwento ay nag-post ang Comedy Concert Queen tungkol sa kanyang saloobin. “Keep calm and let karma finish it.” At may isa pa. “Masid-masid lang ako sa iyo… heaven na ang bahala sa iyo…”

?Biglang nag-comment si Gretchen sa post ni AiAi, ang kanyang sabi, “Am I thinking what you are thinking?” ‘Yun na! Binugbog na naman ng mga negatibong komento si Gretchen. Sawsawera! Sawsaw-suka! Ipokrita! Negative thinker! Pretentious!

?Pero teka muna, blind item ang isyu, wala namang pinangalanan ang komedyana kung sino ang tinutukoy nito at wala ring pangalang direktang binanggit si Gretchen sa kanyang reaksiyon.

?Napakalakas talagang mang-imbita ng atensiyon ang mga blind items, kahit sa mga pahayagan ay malakas ang mga pitik-bulag, sa radyo man ay pinagpipistahan din ang mga kuwentong pahulaan.

?Nakarating sa amin ang impormasyon na alam na raw ngayon ng Comedy Concert Queen kung sino ang nagpapasimuno sa mga paninira sa kanya sa social media.

?May grupo raw ang taong ‘yun na sa isang senyas lang nito ay aariba na agad ang kanyang mga bayarang kakampi para wasakin ang kung sinumang gusto nitong upakan.

?May clue pa nga. Inglisera raw ang taong ‘yun, sikat, pero mukhang inaalat ngayon ang buhay at career.

?‘Yun siguro ang dahilan ng post ni AiAi na pinagmamasdan lang nito nang malayuan ang taong nasa likod ng mga paninira sa kanya.

?Nabuhay uli si Pinuno!

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with