^

PSN Showbiz

Maricel tinapos ang walk out issue ni Angel

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Napakinggan namin ang radio guesting ni Maricel Soriano sa programa ni Tita Cristy Fermin, kaya natanong sa kanya ang tungkol kay Arjo Atayde na madalas niyang nakakasama sa taping.

Puring-puri ni Maria si Arjo dahil napakabait daw nito at magaling umarte.

Kaya natanong na rin siya ni Tita Cristy kung nagkukuwento ba siya tungkol kay Maine Mendoza.

Kuwento raw ito nang kuwento kung gaano siya kasaya. “Nakikita mo, in love ang bata,” pakli ni Maria.

Iyun daw ang totoo na nakikita niyang masaya si Arjo, kaya kahit magalit ang mga AlDub fans, wala raw siyang magagawa kung iyun naman talaga ang totoo.

Doon na rin pinabulaanan ni Maricel ang isyu tungkol sa direktor ng The General’s Daughter.

Wala raw silang problema at maayos daw ang taping nila sa naturang teleserye. Kaya doon na rin niya tinapos ang isyung pag-walk out ni Angel Locsin.

Gretchen sumawsaw sa parinig ni AiAi

Mahilig makisawsaw, pretentious, negative thinker ang ilan sa mga bintang ng ilang netizens kay Gretchen Barretto nang magkomento ito sa post ni AiAi delas Alas sa kanyang Instagram account.

Nakakaintriga kasi isang post ni AiAi kahapon na tila may pinatatamaan ito.

May isang quote; “Remember, what you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through.”

Nagkaroon ng malisya ang post na iyun dahil nag-comment doon si Gretchen ng, “Am I thinking what you’re thinking”.

Doon kinuyog na si Gretchen ng ilang netizens dahil si Kris Aquino ang tinutukoy niya.

Bago kasi ang post na ‘yan, may post si Kris sa kanyang IG account na ipinakita nito ang malaking pasa niya sa bandang likuran. Nagka-bad fall daw siya, pero itinuloy pa rin daw niya ang shoot niya sa isang webisode ng isang kumpanyang hindi raw bumitaw sa kanya.

Tingin ko naman hindi si Kris ang tinutukoy ni AiAi sa post na iyun, pero na-intriga at namalisyahan tuloy dahil sa sawsaw ni Gretchen.

Samantala, napapanood na pala si AiAi sa Kara Mia bilang si Reynara.

Marian magluluwal na sa April

Inaasahang bandang end of April ay manganganak na si Marian Rivera, kaya hindi na raw lumalayo si Dingdong Dantes para mabantayan niya ang asawa.

Nakakatuwa nga raw dahil kasama pa nila si Zia sa pagdarasal gabi-gabi para maging safe ang panganganak ni Marian.

Ang medyo malayo na pinupuntahan ni Dingdong ay ang location na kinukunan para sa spiels niya sa Amazing Earth.

Ang suwerte nga ng pagdating ng baby boy nila dahil consistent na mataas ang rating ng Amazing Earth, at magkakasunod ang endorsement.

Ini-launch na ang bagong endorsement ni Dingdong na Persian Avenue na dati na niyang kinakain bago pa man siya kinuhang brand ambassador.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with