^

PSN Showbiz

AiAi kilala na ang no. 1 basher

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagpapasalamat ang former beauty queen na si Cindy Miranda sa mga positive feedback tungkol sa performance niya bilang assassin at kontrabida ni Cristine Reyes sa Maria, ang action movie ng Viva Films. Nanggaling kay Cindy ang impormasyon na second choice ito para sa role dahil siya ang ipinalit kay Meg Imperial.

SCENE: Tutol ang ama ni Cindy Miranda sa pagsali sa beauty pageant at pagpasok sa showbiz ng kanyang anak. Lumambot ang puso ng tatay ni Cindy nang manalo ito na Bb. Pilipinas Tourism noong 2013 at natupad ang pangarap na maging artista. Gustong-gusto ng ama ni Cindy na pinapanood ang anak niya sa mga programa ng ABS-CBN.

SEEN: Ang mabigyan siya ng dialogue sa comedy movie na Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ang ipinagdarasal ni Miss Supranational 2013 Mutya Datul. Ang Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ang reunion movie sa Viva Films nina Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E.

SCENE: Nagkaroon si Mutya Datul ng special participation sa Dedma Walking ng T-Rex Entertainment pero ayon sa kanya, walking lang talaga ang ginawa niya dahil hindi siya binigyan ng dialogue sa pelikula. Kasama lang niya na naglakad si Gerald Anderson sa eksena na nagpunta sila sa isang lamay para sa patay.

SEEN: Mas marami ang naniniwala na may relasyon na si Derrick Monasterio at Miss Manila 2018 Kathleen Paton. “Still dating” ang consistent na sagot ni Derrick sa mga nagtatanong tungkol sa tunay na estado ng special friendship nila ng beauty queen-turned-actress na kasama sa cast ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo.

SCENE: Ang pasasalamat ni Dingdong Dantes sa magkapatid na Arjay at Paolo Lapid dahil siya ang pinili na celebrity ambassador ng Persian Avenue. Beef wrap ang main product ng Persian Avenue na dati nang tinatangkilik ni Dingdong bago pa siya na­ging endorser.

SEEN: Makakatulog na nang mahimbing si AiAi Delas Alas dahil kilala na nito ang tao na naninira sa kanya at sinisiraan siya sa tuwing may mga magagandang nagaganap sa buhay niya. Biktima si AiAi ng isang sinungaling, insecure at inggitera na hindi matanggap ang success ng kapwa niya.

SCENE: Ang pagpupugay ni AiAi Delas Alas sa Diyos dahil binuksan Nito sa katotohanan ang kanyang mga mata. Hindi na masasaktan si AiAi sa mga paninira sa kanya dahil alam niya na kahit wala siyang gawin, kusang magiging biktima ng self-destruction ang mga  sinungaling na gumagawa ng paraan na ibagsak ang mga tao na inosente.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with