^

PSN Showbiz

Pia Wurtzbach bibida sa dark comedy!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pia Wurtzbach bibida sa dark comedy!
Pia

Pinaghahandaan na ni Pia Wurtzbach ang isang bagong pagbibidahang pelikula mula sa Black Sheep. Matatandaang si Gerald Anderson ang huling nakatambal ng Miss Universe 2015 sa pelikulang My Perfect You noong isang taon. “I am very excited. I have a lot of fun when I am acting, when I am playing a role, when I have to put Pia aside first and become someone else. That’s always interesting and always fun. So I can’t wait to go back to acting this year,” nakangiting bungad ni Pia.

Comedy ang tema ng bagong pelikulang pagbibidahan ng beauty queen. Aminado si Pia na nakararamdam na ng pressure dahil magagaling ang kanyang makakasama sa proyektong gagawin. “Offbeat and when I say comedy, it’s not just your usual comedy either, dark comedy. I feel pressure but I am excited. I feel like with this role, I will be able to really explore my acting abilities and show more of what I can do. This time, the script is really interesting,” pagbabahagi ng dalaga.

“Apparently, when they were looking at the role and the script, they couldn’t think of a lot of girls who could pull it off but somehow, they thought that they could trust me with this role. So I am ready to take on that challenge,” dagdag pa ni Pia.

Teddy kabado sa kapalaran ng ginawang pelikula

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa si Teddy Corpuz ng isang pelikula. Ipalalabas na sa March 20 ang Papa Pogi na pinagbibidahan ng It’s Showtime host. Umaasa si Teddy na susuportahan ang nasabing proyekto ng kanyang mga kasamahan sa noontime show. “Hindi naman ako magtatampo, maglalabas lang ako ng cards ko, ‘yung mga alas ko. Nagpunta ako no’ng birthday mo, bakit ngayon na birthday ko hindi ka magpupunta sa akin? Na-invite ko na sila pero wala pa kasing venue ‘yung premiere. Sinabi ko na, ‘Guys, March 18 ah, sana makapunta kayo,” makahulugang pahayag ni Teddy.

Ayon pa sa bokalista ng bandang Rocksteddy ay palagi rin niyang sinusuportahan ang bawat proyekto ng mga kasamahan sa It’s Showtime kaya nararapat lamang na suportahan siya ng mga ito. “Oo siyempre kasi first movie ko, tapos kumbaga magkakapatid kaming lahat. Parang, ‘Uy! Magkakapatid tayong lahat dito. Sinuportahan ko kayo dati ah.’ Hindi man gano’n kalaki ‘yung market ko sa social media pero sumuporta ako. Nando’n ako ng premiere night, red carpet, nanood pa ako ng isang beses ulit,” dagdag pa ni Teddy.

Aminado ang TV host na talagang kinakabahan siya sa kalalabasan ng pelikula sa takilya. “’Yung expectations ko siguro, na kay Lord na lang ‘yon. Parang kung may maipagmamalaki ako, siguro ‘yung faith ko kay God, make or break with this film, it will remain solid pa rin. Sinasabi ko ‘yun kay Empoy (Marquez)(dati) na lahat may perfect timing, kung ano ‘yung ibigay sa iyo ni Lord,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with