^

PSN Showbiz

Juan Karlo Labajo hindi kinaya ang bashers, nag-delete ng social media accounts!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Juan Karlo Labajo hindi kinaya ang bashers, nag-delete ng social media accounts!
JK

SCENE: Frontman si Teddy Corpuz ng Rocksteddy at bilang rakista, hindi cool sa kanya ang pagmumura ni JK Labajo sa isang concert. Napikon si JK sa fan na paulit-ulit na binanggit ang pangalan ni Darren Espanto habang kumakanta siya.

SEEN: Hindi kinaya ni JK Labajo ang mga natatanggap na batikos kaya minabuti niya na i-delete ang lahat ng kanyang mga social media account.

SCENE: Nagpapasalamat si Marlo Mortel dahil gabi-gabi napapakinggan sa Pinoy Big Brother: Otso ng ABS-CBN ang Sana Ikaw Na Nga, ang kanta na sariling composition niya at ginagamit sa mga eksena nina PBB housemates Andre Brouillette at Lou Yanong.

SEEN: Parehong contract stars ng Empire Ar­tists Management sina Marlo Mortel at Andre Brouilette. Isinilang at lumaki sa Hawaii si Andre na umuwi ng Pilipinas para maging model at artista. Walking distance lang sa PBB house ang condominium unit na ni­re­rentahan ni Andre.

SCENE: Ipinagluluksa pa rin ni Benjamin Alves ang kanyang ama na si Ebet Sapida na pumanaw noong October 2018. Tribute sa kanyang ina at ama ang unang visual poetry ni Benjamin na inilabas nito noong Valentine’s Day. Mag-isang namumuhay sa Pilipinas si Benjamin kaya ramdam na ramdam niya ang lungkot sa tuwing umuuwi siya ng bahay.

SEEN: May special participation si Benjamin Alves sa Sahaya, ang primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa March 18. Ama ni Bianca Umali at asawa ni Jasmine Curtis Smith ang role niya sa bagong serye ng Kapuso Network.

SCENE: Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ang final title ng comedy movie nina Andrew E., Dennis Padilla at Janno Gibbs sa Viva Films. Unli Friends ang original title ng reunion movie ng tatlo na nagkaroon ng story conference kagabi. Si Al Tantay ang direktor ng pelikula.

SEEN: Pangarap ni Alex Calleja na maging direktor ng pelikula ni Vice Ganda. Si Alex ang stand up comedian at former writer ng It’s Showtime na binigyan ng malaking break ng Regal Entertainment Inc. bilang direktor ng Papa Pogi, ang launching movie ng It’s Showtime mainstay na si Teddy Corpuz.

vuukle comment

JUAN KARLO LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with