^

PSN Showbiz

Kiko Estrada mga senior actress ang gustong makahalikan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

In fairness to Kiko Estrada, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz, ang ama niya ang itinuturing niya na mas seksi sa pamilya at hindi siya. Ito ay sa kabila ng pag-e-effort niya na mapaganda ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng workout at ‘di pagkain ng kanin at manok at gulay lamang. 

Sa kabila ng pagkakaroon ng unang pamilya ng kanyang ama, hindi ito dahilan para hindi niya pahalagahan ang kanyang pamilya sa panig ng kanyang ama. Wala silang problema at nagkakasundu-sundo sila.  

Samantala, proud naman siya sa kanyang stepfather dahil mahal siya nito katulad din ng pagmamahal nito sa kanyang half-brother. Proud din siya sa kanyang pag-aartista dahil umaarangkada na ito at magagandang proyekto ang nakukuha niya. Nang matanong kung sino sa mga artista ang gusto niyang maka-kissing scene, ginulat niya ang lahat sa pagsasabi ng pangalan nina Sunshine Cruz, Agot Isidro at Angel Aquino.

Maganda sana ang binabadya

Dapat siguro ay dedmahin na lamang ni JK Labajo ang pang-iinis na ginagawa sa kanya ng fans ni Darren Espanto. Nalagay na naman siya tuloy sa alanganin nang patulan niya ang pang-iinis ng isang fan na isinisigaw ang pangalan ni Darren sa nakaraang Rakrakan Festival.

Dapat siguro ay magbati na rin sila ni Darren para hindi na mabigyan ng pagkakataon ang bashers nila ni Darren na mapasama pa ang kanilang imahe. Sayang talaga dahil napaka-ganda ang ibinabadya ng hit na hit niyang kanta na Buwan.

Coco may bago na namang kalaban

Balik na naman sa pagiging kontrabida si Lorna Tolentino. Ang character niya ang papalit sa character ni Edu Manzano na kailangan nang mamaalam dahil sa election ban. This early, marami na naman ang naawa kay Cardo (Coco Martin) dahil bawat palit ng character sa serye ay dagdag sa masamang elemento ng show. ‘Di na siya nabigyan ng kakampi.

Kaye maiksi ang exposure sa pagbalik sa trabaho

Marami ang nanghihinayang na maikli lamang ang role ni Kaye Abad sa isang TVC sa sisimulang serye ng ABS-CBN. Marami pa naman ang nakaka-miss sa magaling niyang pag-arte. Marami rin ang curious kung sino yung batang babae na gaganap ng role ng anak niya na mag-isang iiwanan niya sa mundo. Isang bagong mukha na naman ito na gagawa ng kasaysayan sa telebisyon.

vuukle comment

COCO MARTIN

KIKO ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with