^

PSN Showbiz

Yasmien Kurdi naloko nang pinagkatiwalaan!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Yasmien Kurdi naloko nang pinagkatiwalaan!
Yasmien

MANILA, Philippines — Sino kaya ang pinatatamaan ni Yasmien Kurdi sa post niya sa Instagram (IG) na “Wrong things happen when you trust the wrong people” at may emoji na sad face. Hindi nito sinagot ang mga tanong ng kanyang followers kung sino ang kanyang pinatatamaan.

May nag-akala tuloy na baka ang husband niyang si Rey Soldevilla, Jr., pero sa isang post ni Yasmien, nag-comment si Rey ng “I love u pangga!” so hindi siya ang inakalang nagbigay ng lungkot kay Yasmien.

Noong February 27 pa ang last post ni Yasmien at ang sabi: “Hi Everyone! You may have noticed that my account was deactivated. By accident I logged in to it which activated it again. Unfortunate on my part you can only deactivate it once a week. It was my intention to stay away from social media for a time, for me to give a thought about my personal Life and Career. God bless you all!”

Naunang pinost ni Yasmien ang quotation card na “You can ask the Universe for all the signs you want, but ultimately, we see what we want to see when we’re ready to see it.”

Kung ganyang iwas muna sa social media si Yasmien, hindi pa rin siya mami-miss ng kanyang supporters dahil Monday to Friday siyang napapanood sa morning series ng GMA-7 na Hiram na Anak na gusto ng viewers ang takbo ng story ng soap tungkol sa mag-asawang nanghiram ng anak.

Dawn nasorpresa sa birthday

Napanood namin ang video ng storycon ng comeback movie ng GMA Pictures and Mic Test Entertainment na Family History na tatampukan nina Michael V. at Dawn Zulueta. Kinantahan at binati si Dawn ng happy birthday dito. Bukod sa kanta, may bouquet of flowers at birthday cake pa para sa aktres.

Birthday ni Dawn noong March 4 at Mar. 5 naman ang storycon ng pelikula na second movie ng GMA Pictures na dating kilala na GMA Films. Malaki siguro ang rason kung bakit si Dawn ang napiling ipareha kay Michael V. na siya ring magdidirehe ng movie.

Sa kanyang Instagram (IG), nag-post si Dawn ng pictures niya noong baby pa siya at itinabi sa picture niya ngayon.

“I have decided that I’m not old... I’m 50 plus shipping and handling. “Thank You” to all of you Folks, most especially to my loyal & supportive fans @charddawnfanpage @itsdawnzulueta... who dropped by to greet me with your happy birthday wishes & blessings for my heart and soul!”

Maxine kamukha ng ex ang bagong BF

Disable na ang comment box ng post ni Maxine Medina ng litrato niyang naka-one piece swimsuit na kung saan, sobra siyang na-bash. Sabi ng mga nag-comment, maliit kay Maxine ang swimsuit, masikip sa kanya, kaya hapit na hapit at nalaswaan ang iba niyang followers.

Ayun na nga, na-bash si Maxine sa kanyang suot na siguradong nabasa niya, hindi nagustuhan ang nabasa. Sa halip na i-delete ang picture niya, dinisable na lang ni Maxine ang comment box, kaya wala nang makapag-comment, puri man o bashing.

Maganda ang takbo ng career at masaya ang love life ni Maxine dahil napapanood siya sa Los Bastardos at masaya ang love life sa piling ng bagong boyfriend niyang si Timmy Llana. Nabasa namin sa DP (display picture) nito sa IG na isa siyang PADI Divemaster at gaya ng ex-bf na si Marx Topacio, skinhead din. Pero, may buhok na ngayon si Marx.

Pabakat ni Marvin pinagpiyestahan

Nakakaloka ang comments ng netizens sa vi­deo ni Marvin Agustin na nakaupo at naka-tennis shorts at tila katatapos pa lang maglaro ng tennis at nagtuturo ng tamang paghawak sa tennis racket.

Sa halip kasi na sa mga kamay ni Marvin ma-focus ang mga mata ng netizens, sa suot na shorts ng isa sa mga bida ng Inagaw Na Bituin sila nakatingin. May bumakat daw kay Marvin at kung anu-ano pang comment na nakakatawa at hindi bastos ang dating.

Obvious na hindi alam ni Marvin na pinag-uusapan ng netizens ang sabi’y bumakat sa kanya sa suot niyang white shorts dahil hindi niya dine-delete ang video. Kaya, tuloy ang mga nakakatuwa at nakakatawang comments.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with