^

PSN Showbiz

Boobs, braso, hips ni Antoinette Taus, nilapa ng aso!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Boobs, braso, hips ni Antoinette Taus, nilapa ng aso!
Antoinette

Grabe ang mga kagat ng pet dog na chow-chow sa Fil-Am singer-actress-host na si Antoinette Taus nang ito’y dumalo sa isang wedding in Baguio City nung nakaraang Sabado, March 2. Grabe ang tinamo niyang sugat hindi lamang sa kanyang left forearm kundi maging sa kanyang thigh and right breast kaya kinailangan siyang isugod sa pinakamalapit na pagamutan kung saan siya sumailalim ng emergency surgery.

Although nasa mabuti nang kalagayan ngayon si Antoinette, tiyak na nakaramdam ito ng trauma at siguradong mag-iiwan ng scar ang mga sugat niya sa braso, hita at kanang breast niya sanhi ng mga kagat ng aso.

Dahil din sa nangyari kay Antoinette, may mga commitment siyang hindi napuntahan dahil nagpapagaling pa siya ngayon.

AiAi isang taong mamamahinga ‘pag nabuntis

Handang-handa na ang singer-comedienne at award-winning actress na si AiAi de las Alas na ipagbuntis ang kanilang magiging unang supling ng kanyang mister na si Gerald Sibayan sa tulong ng in vitro fertilization or IVF procedure. Nakahanda na umano ang fertilized embryo (mula sa pinagsamang egg cells ni AiAi at sperm cells ni Gerald) na ililipat kay AiAi para ito’y mabuntis.

Sa halip na gumamit ng isang surrogate mother, gusto ni AiAi na siya mismo ang magbuntis dahil anak naman nila ni Gerald ang kanyang dadalhin. At kapag nangyari `yon, isang taon umanong magbabakasyon ang singer-comedienne-actress sa kanyang trabaho para tutukan ang kanyang pagbubuntis and eventually sa pagsilang ng magi­ging first baby nila ni Gerald na malapit nang maging isang piloto.

AiAi is turning 55 on November 11.

Samantala, walang mapagsidlan ng kaligayahan si AiAi na siya ang nanalong Best Actress for the movie School Service along with Ina Raymundo of Kuya Wes sa 2019 Fantasporto International Film Festival in Porto, Portugal na kamakailan lamang nagtapos

Alden Richards handa na sa fast food

Magbubukas na sa April 26, 2019 ang kauna-unahang franchise  ng McDonald’s ng Kapuso actor at Eat Bulaga mainstay na si Alden Richards.  Ang sarili niyang franchise ng kilalang international food chain at bukod pa sa tatlong branches ng Concha’s Garden Café na pag-aari ni Alden na matatagpuan sa Tagaytay, Quezon City at sa Silang, Cavite.

Kung malapit nang buksan sa publiko ang McDonald’s franchise ni Alden, ang ka-loveteam naman niyang si Maine Mendoza ay nauna nang nagkaroon ng sarili nitong franchise nung August 2017 sa kanyang hometown sa Santa Clara, Bulacan.

Speaking of Alden, tiyak na matutuwa ang mga fans nila ni Maine dahil siya  ang special guest sa darating na Sabado ng gabi, March 9 sa weekly sitcom nina Vic Sotto at Maine, ang Daddy’s Gurl on GMA. 

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

ANTOINETTE TAUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with