^

PSN Showbiz

Art ni John Lloyd Cruz ubusan na, Maja Salvador namakyaw!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Art ni John Lloyd Cruz ubusan na, Maja Salvador namakyaw!

May pa-exhibit, bagong pagkakakitaan

Mabenta pala ang mga mga photos at installations ni John Lloyd Cruz na tampok sa exhibit niyang Void na nagbukas nung February 28 sa mga Gallery 2 ng West Gallery sa West Avenue, Quezon City.

Tatlong malalaking pieces daw ni Lloydie ang binili ni Maja Salvador at halos nagkakaubusan na.

Kuwento nga ng ka-Troika kong si Noel Ferrer, mabuti raw at may nabili pa siyang dalawa na in fairness daw kay John Lloyd, magaganda ang mga photos na gawa niya.

Tig-tatlong kopya lang daw per print at marami raw ang bumibili hindi lang dahil kay John Lloyd kundi magaganda raw kasi.

Nakadalo raw sa opening ang ilang top executives ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak, Linggit Tan, at pati sina Johnny Manahan, Erwin Romulo at Thou Reyes para magbigay ng suporta kay Lloydie.

Mukhang happy na siya sa kanyang pagiging artist, at baka nga panindigan na nitong hindi na babalikan ang pag-aartista.

Manager ni Maine nanghingi ng ‘understanding’

Muling nagpakita si Maine Mendoza ng katapangan sa huling ipinost niya sa kanyang blog kaugnay sa namamagitan sa kanila ngayon ni Arjo Atayde.

Mahaba ang post na iyun na kung saan nagpakatotoo lang ang Eat Bulaga phenomenal star sa kanyang nararamdaman sa lahat na nangyayari ngayon magmula nang ilantad ang kasalukuyang kalagayan nila ni Arjo.

Agree kami sa sinabi niyang dapat maging masaya tayo sa ikaliligaya ng taong iniidolo natin.

Ang tunay na paghanga sa artistang iniidolo natin, ay hindi ang bashing kundi ang pagtanggap at pagrespeto kung ano ang choice at desisyon sa buhay.

Ibinahagi rin niyang pormal na humarap si Arjo sa kanyang magulang at sinabi kung ano ang magandang intensyon para sa kanya.

Hiningan namin ng pahayag si Rams David, ang manager ni Maine kaugnay sa isyung ito.

Sabi niya; “Nireres­peto ko kung ano man ang personal na nangyayari at desisyon ni Maine.

“Si Maine ay nagtatrabaho po nang maayos bilang artista.

“Sa labas po, kung ano ang ikaliligaya niya na hindi ikapapahamak ng bata, she can do it. Kasi we trust her.

“The management, and I’m sure the family trust her kung sino man niyang lumalabas, nagdi-date, out of town, out of the country. Which is right now, she’s with the company of friends na nagbabakasyon kasi birthday niya, baka puwede naman ibibigay na natin kay Maine yun, as a gift na maging masaya yung bata.

“Iyun din ang wish namin sa kabila..kay Alden. I’m sure si Alden ay may sarili ring buhay. Let us respect kung ano man yung desisyon din nung tao para sa sarili niyang buhay.

“Alden is working hard. Hanga ako kay Alden. He is part of Sunday Pinasaya, at sobrang appreciation meron kami lalo na ako, kasi he makes it a point na nandun siya pag Sabado to rehearse. At tuwang-tuwa siya pag maganda ang nagawa niya every Sunday.

“For me, ang artista kung ano ang ginagawa niyang tama, at marespeto kang tao,  that’s it . Kung ano man magpapaligaya sa ‘yo outside showbiz, kung wala kang tatapakan at masasaktan, you can do it.

“Sa nagmamahal sa kanila maraming salamat

“Sa mga nasaktan, salamat sa pagsuporta sa kanila. At humingi kami ng pang-unawa sa kung anong present na situation nila ngayon.

“Di ba masarap ang pakiramdam kung makita mong masaya ang isang taong minamahal mo?”

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with