Bea matatakutin!
Na-intimidate si Bea Alonzo kay Ms. Charo Santos sa umpisa ng shooting nila ng horror film nilang Eerie na showing na sa mga sinehan across Asia sa March 27, directed by Mikhail Red. “Of course, intimidated ako noong una because of her stature. But I quickly felt comfortable with her kasi nakikipagkuwentuhan talaga siya. Not the type na alam mong small talk lang but you can feel na sincere talaga siya and she’s really listening to you. She turned out to be very friendly and approachable,” sabi niya sa grand presscon ng pelikula the other night.
Base sa trailer, malakas ang takot factor ng Eeri na first time ginawa ni Bea. Gumaganap siyang Pat na isang guidance counselor sa isang exclusive school habang si Ms. Charo ay isang old-school nun na may ghost ng isang bata na nagpakamatay sa toilet.
Aminado naman si Bea na may offer na sa kanya dati pa na gumawa ng horror flick pero matatakutin siya. Pero nang nabasa raw niya ang script ng Eerie at nalaman niyang kasama si Ms. Charo at si Direk Mikhael, tinanggap na niya. “I just felt I can’t say no to this project,” sabi ng actress.
Nauna nang pinalabas sa Singapore International Film Festival ang Eerie.
- Latest