^

PSN Showbiz

Janine at Tom malabong magkaroon ng romantic angle!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Janine at Tom malabong magkaroon ng romantic angle!
Janine

Hindi pa nagkakasama sina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez sa taping ng Dragon Lady pero nagbida na sila noon sa isang episode ng Magpakailanman kaya may idea na ang dalawa sa ugali ng isa’t isa.

Ni-reveal ni Janine sa presscon ng Dragon Lady na isa si Tom sa mga Kapuso actor na pinangarap niya na makatrabaho sa isang television series ng GMA-7 at natupad ito sa afternoon prime show na mag-uumpisa na mapanood sa Lunes, March 4.

In fairness, may chemistry sina Janine at Tom nang umapir sila sa Magpakailanman pero malabo na magkaroon ng romantic angle ang kanilang partnership dahil bongga ang lovelife nila. May Rayver Cruz si Janine at may Carla Abellana si Tom.

Samantala, happy ako para kay James Manabat dahil siya ang executive producer ng Dragon Lady.

Matagal kami na nagkasama ni James sa Startalk, pati ang kanyang misis na si Issa. Ang layo na ng narating ni James dahil bukod sa executive producer ng Dragon Lady, siya ang sumulat ng lyrics ng theme song na kinanta ni Maricris Garcia.

Hindi lamang si James ang na-promote dahil associate producer na rin ang misis niya. Si Issa ang associate producer ng Starstruck, ang magbabalik na reality-based artista search ng GMA-7. Congrats James and Issa!

Cong. Albee break muna sa pulitika para sa Magikland

Isang project na type ko purihin ang Magikland sa Negros Occidental na brainchild ni Cong. Albee Benitez.

Naloka ako dahil magkakaroon ng isang mala-Disneyland na project sa south.

Imagine, lalong magiging popular ang Negros pro­vince dahil sa sosyal na theme park na mapupuntahan at mapapasyalan ng mga kababayan natin.

Awesome project ang Magikland na sasabayan ng isang movie na gagawin nina Peque Gallaga at Lori Reyes na ipalalabas bilang infotainment para lalong ma-appreciate ng tao ang project ni Papa Albee na out muna sa politics para tutukan ang kanyang magiging legacy.

Hindi muna tatakbo si Papa Albee sa anumang posisyon para harapin nang personal ang construction ng theme park.

Ganyan kamahal ni Papa Albee ang mga kababayan niya at ang ating bansa. Inaayos din ni Papa Albee ang pabahay project ng Duterte government dahil sa kanyang dream na magkaroon ng sariling tahanan ang Pilipino na with him around, hindi malabo na matupad. Bravo Congressman Albee Benitez, the pride of Negros.

Mayor Abby excited  sa sisimulang subway sa Makati

Pinag-uusapan ang subway na gagawin sa Makati City. Dumating na raw ang mga engineer na galing sa Japan kaya pride ng Makati residents na sila ang unang magkakaroon ng subway sa Pilipinas.

Tuwang-tuwa si Marivic Larrazabal nang ikuwento nito na ngayon pa lang, tutok na tutok na si Mayor Abby Binay sa lahat ng preparasyon para sa subway construction.

Excited si Mayor Abby sa malaking tulong na idudulot ng subway sa publiko at sa malulutas na traffic problem sa siyudad na pinamumunuan niya.

Talagang fast worker at achiever si Mayor Abby dahil naunahan niya ang ibang mga nasa posisyon sa plano na magtayo ng subway.

Sure ako na excited ang lahat sa subway project at feeling safe sila dahil basta Japanese firm ang mangangasiwa sa construction, top of the line ang technology.

Bongga Marivic ‘ha? Tayo ang dapat na first passengers sa inauguration ng first subway sa bansa natin.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with