^

PSN Showbiz

Arnell nawindang sa maliit na suweldo sa OWWA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arnell nawindang sa maliit  na suweldo sa OWWA
Arnel

Naging emotional si Arnell Ignacio nang humarap sa media at sa movie press sa Annabel’s Restaurant sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Mabigat daw talaga sa dibdib niya ang iwan ang trabaho niya sa OWWA, pero isa pala talaga sa naapektuhan siya ay nakaligtaan na nga raw niya ang pamilya niya.

Gumagaralgal ang boses ni Arnell na inaming ang dami na niyang nakaligtaan sa pamilya niya.

Siya pa raw ang huling nakaalam na may Prostate Cancer na pala ang Daddy niya.

“Nakalimutan ko, ang dami ko na palang hindi napagtuunan ng pansin,” pakli ng actor/TV host.

Sabi pa niya; “Eto ako travelling around the world at nag-aasikaso ng mga problema ng tao. I missed out the chance to be with my Dad.

“Ang sakit lang sa akin na wala ako sa Dad ko, at natamaan na rin ang relationship ko with my family, with my daughter na sanay na sanay na nandiyan ako lagi.”

Kaya kahit mahal daw niya ang trabaho niya at mami-miss ang mga kasamahan niya sa OWWA, kailangan niya itong iwan.

Sinabi naman daw niya kay Sec. Silvestre Bello na puwede naman daw siyang maging consultant na lang, dahil gusto pa rin niyang tumulong lalo na sa mga problema ng mga OFW.

Ang isa pa nga sanang gustong gawin ni Arnell ay bumalik sa showbiz. Nabanggit nga niyang tinanggihan niya ang alok ng Ang Probinsyano, ngayon ay gusto niyang iparating sa mga taga-Ang Probinsyano na baka puwede raw siyang i-reconsider na maging bahagi sa teleseryeng ito.

“Kasi naman di ba? Tatawag ang Pro­binsyano, dapat mag-taping ka na bukas, eh palipad ako nun para sa problema ng OFW. May career din ako sa showbiz, pero ang dami ko nang tinanggihan. Pati hosting, mga guestings, tinanggihan ko.

‘Di ba parang nasira na ang showbiz career ko niyan? Hindi naman puwede ‘yun,” dagdag niyang pahayag.

Kailangan na nga niyang kumita dahil sa sakit ng Daddy niya, napapatigil na siya nang sinabing ganito kamahal ang gamot.

Kailangan na raw niya ngayong humingi ng tulong sa DSWD o sa ibang ahensya ng gobyerno para tulungan siya sa mga gamot.

“Dati kasi, kaya naman eh. Pero ngayon dahil magkano lang naman ang suweldo ko sa OWWA, yung gamot ng Dad ko, kailangan ko pang ihingi ng tulong. Parang ang  sakit di ba?” madamdaming pahayag ni Arnell.

Isa pang dahilan kung bakit siya nag-resign ay may i-endorse siyang Partylist, ang Juan Movement na susuportahan niya.

Hindi naman siya puwedeng tumulong sa pangangampanya kung nasa gobyerno ka. Kaya, nag-resign na muna si Arnell.

Misis ni Kristofer, problemado pa rin 

Malaki ang pasasalamat ng asawa ni Kris­tofer King na si Nikki dahil buhos ang tulong na dumarating sa kanya, pagkatapos napabalita ang nakakaawang kalagayan nila sa pagpanaw ng naturang indie actor.

Pagkatapos dumalaw ni Coco Martin sa burol, kinabukasan ay ipinadala na raw ang tseke na nagkakahalaga ng 230 thousand pesos para sa lahat na gastusin sa pagpapalibing ni Kristofer.

Sinabi naman ni Coco sa ilang kaibigan na hindi raw niya puwedeng pabayaan si Kristofer dahil pamilya na raw ang turing niya rito.

Kaya paulit-ulit na nagpapasalamat si Nikki sa tulong ni Coco at sa iba pang mga tulong na ipinaaabot sa kanya.

Wala na raw siyang iniisip hanggang sa libing, pero ang talagang inaalala raw niya ay kung paano niya bubuhayin ang lima nilang anak. Kaya kailangan pa rin daw niyang magtipid nang husto. Iniisip pa nga raw niya kung saan siya makakatipid kung ipalilibing sa sementeryo o ipapa-cremate si Kristofer.

Kailangan daw kasing may sapat pa siyang pera para sa mga anak nila lalo na sa pagpapagamot sa dalawang anak nilang may Hunter Syndrome. “Hindi ko rin po kasi sigurado pa kung makakahanap po agad ako ng trabaho,” pakli ni Nikki.

Barbie at Mika susulpot na

Mamayang gabi ay lalabas na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz bilang sina Kara at Mia.

Ilang araw nang mga batang Kara at Mia pa lang ang napapanood, at nangungulit na pala ang fans kung kailan nila mapapanood ang mga totoong bida.

Kaya simula mamayang gabi ay sina Barbie at Mika na ang lalabas kasama sina Jak Roberto at Paul Salas.

Mas patindi nang patindi na nga raw ang kuwento, at in fairness sa telefantasyang ito ng GMA 7, lumalaban siya nang husto sa katapat na Pro­binsyano. 

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with