^

PSN Showbiz

Bong nag-sorry kay Kris!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Bong nag-sorry kay Kris!
Kris

SEEN: Na-miss nina Gretchen at Claudine Barretto ang isa’t isa kaya mahaba ang kanilang kuwentuhan nang magkita sila kahapon. Si Claudine ang nagpunta sa Forbes Park residence ni Gretchen at ng businessman na si Tonyboy Cojuangco. 

SCENE: Nag-apologize kahapon ang senatoriable na si Bong Go kay Kris Aquino dahil hindi nito nagustuhan ang pagbibiro niya kay Phillip Salvador, ang former live in-partner ni Kris. Naganap ang paghingi ni Go ng paumanhin nang mangampanya siya kahapon sa San Andres, Manila.

SEEN: Kahit nag-resign na siya bilang Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator, handa pa rin si Arnell Ignacio na tumulong sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte. Plano ni Arnell na muling maging active sa entertainment industry.

SEEN: Opisyal na ipakikilala ngayon ng GMA 7 ang buong cast ng Dragon Lady, ang afternoon prime program na magsisimula sa March 4 at mapapanood pagkatapos ng Eat Bulaga.

SCENE: Sa March 29 ang playdate sa iFlix ng Mystified, ang much awaited reunion project ng original Encantadia stars na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri. Ang apat ang mga producer ng Mystified na hindi tinipid kaya pampelikula ang budget.

SEEN: Ang pasasalamat ni Gladys Reyes sa loyal viewers ng TODA One I Love dahil sa mga papuri sa outstanding performance niya. Panahon na para magbida sa isang “contrabida” teleserye si Gladys.

SCENE: Tahimik pa ang kampo ng magkapatid na Nicko at Jesus Falcis tungkol sa second victory nila, ang pagbasura ng Pasig City Prosecutor’s Office sa qualified theft case na isinampa ni Kris Aquino laban sa dating managing director ng Kris Aquino Productions. Ang Makati City Prosecutor’s Office ang u­nang nagbasura ng reklamo ni Kris.

SEEN: Sinuportahan ni Daniel Padilla ang red carpet premiere ng Familia Blondina sa Trinoma Cinema noong Martes. Ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada ang bida sa comedy movie na nagbukas kahapon sa mga sinehan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with