^

PSN Showbiz

JC pinaghahandaang mabuti ang kasal

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
JC pinaghahandaang mabuti ang kasal
JC

May planong pakasal si JC de Vera pero hindi pa agad-agad. Nag-iipon pa siya at ang magiging misis niyang si Rica Cruz.

“Mga 2021 or 2022 pa,” pahayag ng aktor kahapon nang makausap namin sandali.

“May plano talaga, ayaw lang naming madalian,” dagdag pa ng aktor na isa sa mga bida ng teleseryeng The General’s Daughter starring Angel Locsin.

Construction business ang negosyo ng pamilya ng partner niya na nanay ng baby niyang si Lana Athena.

At ang kaibahan ng partner niya ngayon kesa sa mga ex niya ay ito raw ay may direction ang mga pangarap sa buhay.

From the start gusto na nitong maging mommy at maging different.

Anyway, consistent si JC sa statement kahapon na tulog siya nang mang­yari ang umano’y pagwa-walk out ni Angel Locsin sa taping nga ng The General’s Daughter recently kaya wala siyang kamalay-malay sa mga naging pangyayari.

“Marami kaming tulog kaya hindi talaga namin alam ang nangyari. Paggi­sing namin, tapos na.

“When we woke up, clueless kaming lahat. So kung tatanungin ninyo ako kung ano ang nangyari, hindi ko alam. Wala talaga akong puwedeng sabihin,” seryosong pahayag pa ng aktor.

Sinabi pa niyang hindi naapektuhan ang taping nila dahil dumire-diretso naman. “Maraming scenes that day na puwedeng kunan kahit wala siya.”

Nanghingi naman daw ng sorry si Angel sa nangyari na mabilis naman niyang na-appreciate.

“Nag-send siya ng text message sa lahat na she was sorry and pasensiya na sa abala, I replied personally na sabi ko, ‘Okay lang. I understand kung anuman ang nangyari. Baka malaking misunderstanding,” sabi pa ng aktor na nanalong  Movie Supporting Actor of the Year ng  Guillermo Memorial Box Office Awards .

vuukle comment

JC DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with