^

PSN Showbiz

Boyet at Sandy nag-renew ng vows sa Vietnam

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isa na siguro ang showbiz couple na sina Christopher “Boyet” de Leon (62) at Sandy Andolong (57) ang maituturing na pinakamatibay na mag-asawa sa industriya sa kabila ng maraming pagsubok na kanilang pinagdaanan bilang mag-asawa at bilang isang pamilya.

Boyet who was formerly married to superstar Nora Aunor has been together with Sandy mula pa nung 1980 pero ang dalawa ay nakasal lamang nung 2001.

Kamakailan lang ay muling nag-renew ng vows ang mag-asawa na ginanap pa sa Vietnam to mark their 39th anniversary as a couple.

Although may isang biological son si Boyet sa kanyang ex-wife na si Guy (Nora Aunor) na si Ian de Leon at apat na adopted children na sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth, ang mag-asawang Boyet at Sandy ay biniyayaan ng apat na anak na sina Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.

Janine sinimulan na  ang dragon…

Sumabak na sa taping ng kanyang bagong tele­serye sa GMA ang Kapuso singer-actress na si Janine Gutierrez, ang Dragon Lady kung saan niya mga kabituin sina Tom Rodriguez at Edgar Allan Guzman kasama sina Diana Zubiri, Joyce Ching, James Blanco, Maricar de Mesa, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Isabella de Leon, Mosang at Leo Martinez mula sa pamamahala ni Paul Sta. Ana.

John Lloyd present sa art fairs

Mahigit isang taon na magmula nang talikuran ng (dating) Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz ang kanyang showbiz career para harapin ang isang simpleng buhay sa piling ng kanyang mag-inang Ellen Adarna at baby Elias Modesto.

The way things are going, mukhang ini-enjoy ni John Lloyd ang kanyang simpleng buhay ngayon kasama ang kanyang lady love na si Ellen at anak nilang si Baby Elias.

Unknown to many, kilala si John Lloyd sa pagiging art patron at kamakailan lamang ay dumalo ito sa Art Fair Philippines 2019 na gina­nap sa The Link sa Makati City nung nakaraang Biyernes, February 22. 

Nakunan pa ng litrato si John Lloyd kasama ang Associate Editor at Lifestyle Editor ng Philippine Star na si Millet Martinez-Mananquil (ina ng mister ni Maxene Magalona na si Rob Mananquil) at ang dating super model na si Tetta Agustin-Baverey, ang kauna-unahang Filipina mo­del na rumampa sa Givenchy at Yves Saint Lauren or YSL na isa ring art patron.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BOYET” DE LEON

SANDY ANDOLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with