^

PSN Showbiz

Beauty tutok sa pamilya ‘pag pahinga sa trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Beauty tutok sa pamilya �pag pahinga sa trabaho
Beauty at Olivia

Kamakailan ay nakatambal ni Robin Padilla si Beauty Gonzalez sa pelikulang Bato. Nakatakdang magtambal muli ang dalawa para sa series ng nasabing proyekto na mapapanood naman sa Netflix. “Mayroong series ng Bato, madami pa po eh meron pa ‘yung series sa Netflix tungkol sa  drug war. I want to be part of it pa din. It’s a good story to watch out for,” bungad ni Beauty. “As of now wala pa naman binabalita sa akin, but siguro, hindi ko pa alam,” dagdag ng aktres.

Ngayon ay abala si Beauty para sa tele­seryeng Kadenang Ginto. Kapag walang trabaho ay pamilya raw ang tinututukan ng aktres. Tatlong taong gulang na ngayon ang anak ni Beauty at Norman Crisologo na si Olivia. “Sa teleserye ubusan talaga ng oras. Kaya I always ask ABS-CBN for few months of break before starting another teleserye. So I can give time with them. Nakakabawi naman, we travel abroad kami lang tatlo. No yaya, so super bonding talaga,” paglalahad ni Beauty.

Bagong kanta ni Rj makaka-relate  ang mga sawi!

Nakatakda nang ilunsad ni RJ Agustin ang ikalawa niyang single sa Star Records na may titulong Sana Hindi Na Lang Kita Minahal. Tiyak na makare-relate daw ang mga tagahanga sa bagong kanta ng singer. “This one is about failed relationship. To the point na ayaw mo nang masaktan. When I heard the song somehow naka-relate ako. Lahat naman tayo especially matured ka na nagkaka-experience na ng mga heartbreak, gano’n,” nakangi­ting pahayag ni RJ.

Tampok si Michelle Vito sa music video ng nasabing kanta at ilulunsad ito sa Star Music Youtube channel sa mga susunod na linggo.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talagang makatrabaho ng baguhang singer si KZ Tandingan. “Matagal ko na siyang gusto. Even when we were talking about my next single, after this one, napag-usapan namin about doing a collab. Whenever she sings. Mararamdaman mo ‘yung kwento niya eh. Hindi lang siya singer, story teller siya. ‘Yun ‘yung pinakanaa-appreciate ko,” pagbabahagi ng binata.

Si RJ ay anak ni Arturo San Agustin na isang beteranong direktor na siyang gumawa ng pelikulang  Kapag Puno Na Ang Salop na pinagbidahan ni Fernando Poe, Jr. Ayon sa singer ay iniaalay niya sa amang namayapa noong isang taon lamang ang lahat ng kantang ginagawa. “Habang kumakanta ako no’n kahit malungkot ako, nararamdaman ko na ‘yon ang gusto niyang gawin ko,” pagtatapos ng singer.   (Reports from JCC)

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with