^

PSN Showbiz

Robin tanggap na digital na ang uso sa pelikula!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robin tanggap na digital na ang uso sa pelikula!
Robin

Matapos ipalabas kamakailan ang pelikulang Bato: The Ge­neral Ronald Dela Rosa Story na pinagbidahan ni Robin Padilla ay kabi-kabila pang mga proyekto ang nakatakdang gawin ng aktor. “Meron po tayong pelikula pang gagawin, ‘yung Marawi. Meron pa po ‘yung sa min ni Aga (Muhlach), Daniel (Padilla), Empoy (Marquez), marami pa po. May series pa ‘yung Bato, meron pa ‘yang series sa Netflix, ‘yung Drug War. Lahat po ‘yan, kaibigan ko si Bato (General Ronald dela Rosa), kaibigan ko si direk Joyce (Bernal). Inaasahan ko rin po ‘yung kay Regine (Velasquez) pa, kaibigan ko rin si Regine, pelikula po sa Viva. Pinakiusapan din ako ni Boss Vic, may gagawin din ako, gagawa sila ng local Marvel. Parang ako ‘yung matanda do’n,”  pagdedetalye ni Robin.

Samantala, ikinalulungkot ng aktor na nabawasan na ang bilang ng mga Pinoy na nanonood sa sinehan ng mga pelikulang Tagalog. “Nasabi ko na ‘yan, 10 years ago. Wala akong take do’n, kasi gano’n talaga. Kasi nasa digital world na tayo. Siyempre kung ano ang uso, gano’n talaga. Kung hindi ka man makabawi sa theater, may digital world na nag-aantay sa atin. Lalo na kami sa action crowd, alam namin na Netflix ang number one ngayon talaga,” giit ng action star.

May panawagan si Binoe sa gobyerno upang mapalakas at kumitang muli ang mga pelikulang Pilipino. “’Yung tulong ng gobyerno sa movie industry, ‘yon talaga dapat ang mapagtuunan ng pansin. Sana ‘yung darating na uupo diyan sa senado, mayroon nang maghain ng tunay na tulong sa showbiz,” pagtatapos niya

Teejay Marquez gusto nang magka-career dito

Kagabi ay nagbida sa episode ng Maalaala Mo Kaya si Teejay Marquez sa kauna-unahang pagkakataon. Masayang-masaya ang aktor dahil sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya. “I’m back sa Pilipinas. Sa ngayon I’m busy doing shoots with Bench. Katatapos ko lang gumawa ng first MMK ko. Happy at kinakabahan kasi siyempre MMK ‘yon eh,” bu­ngad ni Teejay.

Unang nakilala ang model-actor sa Indonesia dahil kabilang si Teejay sa bagong bersyon ng Meteor Garden. Excited na raw makabalik at makagawang muli ng proyekto si Teejay sa Indonesia. “Yup, it’s already done. Super successful, one year din kami nag-air at grabe ang pagtanggap sa ‘min sa Indonesia, nakakataba ng puso.  Soon I’m about to go back again this March sa Indonesia for a project but if maging okay sa plan ‘yung project here sa Pilipinas, baka magkaroon ng changes,” paglalahad ng baguhang aktor.

Kung papalarin ay maraming mga proyekto pa raw ang gustong gawin ng binata sa Pilipinas. “Step by step, ito na first project ko, MMK. So sana maging susi po ito and masundan ng iba pang project lalo na po teleserye. Nakaka-miss din po na mag-share ng talent sa kapwa ko Filipino. Sa movies naman po, meron na rin pong naka-line up na dito sa Pilipinas,” nakangiting pahayag ni Teejay. (Reports from JCC)

vuukle comment

ROBIN PADILLA

TEEJAY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with