^

PSN Showbiz

Go maraming barkada sa showbiz!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Go maraming barkada sa showbiz!
Bong Go

Alam n’yo ba na ang child actor na si Alonzo Muhlach ang kumanta ng campaign jingle ng senatorial candidate na si Bong Go?

Cute na cute si Alonzo kapag kinakanta niya ang Bong Go campaign song at maalaala mo sa kanya si Kris Aquino noong bata pa ito at ipinangangampanya ang kanyang tatay na si Ninoy Aquino.

Parang taga-showbiz na rin si Papa Bong Go dahil barkada na niya ang maraming mga artista. Nag-attend pa siya sa  Walk of Fame event ni German Moreno noong December kaya lalong napalapit sa puso niya ang showbiz.

Sure ako na tulad ni Alonzo, may ibang mga showbiz personality pa ang susuporta sa senatorial bid ni Papa Bong. Malapit na talaga ang eleksyon dahil sa mga exposure ng mga politician na kaibigan ng mga taga-showbiz.

Dra. Belo mas bumata pa

Na-miss ko si Dra. Vicki Belo. Ang tagal ko siyang hindi nakita kaya nang mag-invite siya for lunch sa Manila House, kahit na hindi ko type na pumunta sa BGC, go ako, kasama sina Ricky Lo at Shirley Pizarro.

Ang ganda ni Vicki as in batambata ang itsura. Halata ang happiness na nararamdaman niya.

Ang laki talaga ng nagawa ng pagiging Mrs. Hayden Kho sa kanya, pati na ang youthful presence ni Scarlet at ng kanyang apo na si Hunter James.

One week na nag-stay sa bahay ni Vicki si Hunter dahil nagbakasyon sa Japan ang kanyang mga magulang na sina Cristalle at Justin Pitt kaya halos hindi lumalabas ng bahay si Vicki. Talagang ginugol niya ang kanyang panahon kina Scarlet at Hunter.

Mukha ka nga sigurong bata kapag mga bata ang nasa paligid mo. Kitang-kita talaga ang peace at inner happiness sa mukha ni Vicki.

Stability talaga ang ibinibigay ng marriage sa tao at ito siguro ang  calming effect kay Vicki dahil napatunayan nito ang tunay na pagmamahal sa kanya ni Hayden.

Sana beyond forever ang relasyon nila dahil ang ganda talagang pag­mas­dan ng kanilang pamilya.

Napag-usapan  din sa lunch namin with Vicki ang pagkamatay ng mother ni Joey de Leon. Feeling guilty si Vicki dahil hindi siya nakapunta at nakapagpadala ng flowers eh friend na friend sila ni Joey.

Wala kasing nagsabi sa kanya na namatayan ng nanay si Joey.

Biglang na-sad si Vicki dahil naalaala nito ang kanyang Mommy Nena. Totoo ang sinabi niya, the sadness of losing your mother will forever be a scar in your heart.

Ang memory ng mother, bigla na lang nagpa-flashback sa utak mo. You will feel a cold wind passing by kapag pumasok siya sa isip mo that makes you teary eyed.

A mother will never leave your side kahit wala na sila. They have a lingering presence in your life. Kaya nga ang suwerte ni Joey dahil 92- years old na ang mother niya nang iwanan siya.

Lalo sigurong  mas malakas ang impact noon kay Joey dahil mas matagal ang pagsasama nila ng nanay niya. May hatid talaga na melancholia  effect sa atin ang malamig na hangin kaya you feel a little bit sad pero life have always been good to us, kaya we continue living, enjoying, loving and remembering with our heart.

Mel tuwang-tuwang sa scholarship...

Tuwang-tuwa ang kasambahay kong si Mel nang malaman niya na endorser ni Sen. Sonny Angara ang ever favorite niya na si Sarah Geronimo.

Tinatanaw na utang na loob ni Mel na natulungan ng educational plan ni Senator Angara ang anak niyang makatapos ng college. Talagang tumatawag siya sa mga kamag-anak niya sa province na kapwa niya kasambahay para ipagmalaki ang tulong ng office ni Sen. Angara.

Tapos nadagdagan pa na endorser niya ang idol niya na si Sarah. Kaya hindi ko masisi si Mel na idol na idol niya si Sonny dahil sa malaking tulong nito sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang anak.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with