^

PSN Showbiz

Boy nagpasalamat kay Joy!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Boy nagpasalamat kay Joy!
Boy at VM Joy

SEEN: Pinagkaguluhan kahapon si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng mga spectator sa kanyang homecoming parade kahapon sa Maynila hanggang sa Ayala Avenue, Makati City. Maligayang-maligaya at napapasayaw si Catriona habang iwinawagayway ang Philippine flag na hawak niya.

SCENE: Modern Filipiniana dress na may design na sampaguita flowers ang suot ni Catriona Gray na muling pagpapatunay ng pagiging makabayan niya.

SEEN: Ngayong umaga, 10 am, ang courtesy call ni Catriona kay PLDT Chair Manny Pangilinan sa PLDT office, Makati City. Ang PLDT Home ang number one supporter at major sponsor ng Bb.Pilipinas. Bahagi ng premyo ng Bb.Pilipinas winners ang pagiging ambassadress ng largest telecommunications and digital services company ng bansa.

SCENE: Suportado ni Boy Abunda ang kandidatura ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na tatakbo na alkalde ng lungsod sa midterm elections sa May 2019.

“Nais ko lamang pong ipaalam sa ating mga kaibigan at kababayan na ako po si Boy Abunda ay buong pusong sumusuporta po kay Joy Belmonte who is running for mayor of Quezon City. Nais ko na rin pong kunin ang pagkakataong ito na magpasalamat kay Joy dahil sa dalawang dahilan.

“ Una, Joy salamat  sa lahat ng suporta na iyong ib­inibigay at patuloy na ibinibigay sa akin at lalo na sa aking mga proyekto na may kinalaman po sa LGBTQ community dito sa Quezon City at dito sa Pilipinas.

“ Pangalawa, Joy thank you for the friendship. It is precious and I treasure this friendship Mabuhay ka Joy, mabuhay ang Quezon City, mabuhay ang Pilipinas,” ang personal na endorsement ni Boy kay Joy.

SEEN: Maligayang-maligaya si Quezon City District V Representative Alfred Vargas dahil pasado na ang National Integrated Cancer Control Act. Si Alfred ang principal author ng Republic Act 11215 na iniaalay niya sa kanyang ina na sumakabilang-buhay dahil sa kanser.

SCENE: Ang Ulan na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Marco Gu­mabao ang pinakamagastos na pelikula na ginawa ng direktor na si Irene Villamor. Si Joyce Bernal ang creative director ng Ulan kaya tumutulong siya sa editing ng pelikula.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with