^

PSN Showbiz

Angel sulit ang matagal na pahinga

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi marahil sa pagsisimula ng The General’s Daughter, baka hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang Halik. Hindi pa naman nagbabago ang kuwento ng serye  nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby pero, naging predic­table na ang magaganap sa kanila at ang kuwento na umiikot sa kanila.

Pero, nagawa nang maagaw ang atensyon ng manonood ng bagong serye ni Angel Locsin na sa galing na ipinamamalas sa pagganap ng title role ay maituturing nang siyang pinaka-sinusubayba­yang character sa isang serye.

Napakalambot ng kanyang character, iyakin pa pero, magaling mag-execute ng mga action scene niya, hindi oa. Sayang at hindi sila bagay ni JC de Vera. Mas okay pa sana si Paulo Avelino pero, kontrabida ito, di maaring magkaro’n ng romansa sa pagitan nila.

Mas inaabangan pa ang nakakakilig na eksena nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na ‘yun marahil ang purpose sa pagkakasali nila sa TGD.

Ganun din sina Tirso Cruz lll at Janice de Belen na madalas naa-outshine sina Albert Martinez at Eula Valdez. Sulit ang matagal na absence ni Angel sa small screen, siya ang pinakapaboritong Kapamilya ngayon kahit na nga may kaakibat na kontrobersiya.

Bam pinanindigan si Kris

Hindi galit kundi paghanga ang nakuha ni senatoriable Bam Aquino sa paglabas niya sa unang episode ng Harapan ng ABS-CBN. If many thought na itatanggi niya ang relasyon niya kay Kris Aqui no, nagulat pa sila sa ginawa niyang pagsasalita ng maganda tungkol dito at pag-amin ng maganda nilang samahan. It would have cost him some votes pero, mas marami ang humanga sa kanya sa ginawa niyang pagpapahalaga sa pangalan ng kanilang angkan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with