^

PSN Showbiz

Bidang aktres parang laging pasan ang mundo, hindi malapitan ng mga katrabaho sa serye!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sabi ay masyado raw kasing seryoso ang bumibidang aktres sa serye. Palagi siyang pormal. Parang ni hindi siya marunong ngumiti.

Kuwento ng isang source, “Ang paglapit kasi ng ibang tao sa kahit sino, e, tantiyahan din. Bakit nga naman siya lalapitan kung palagi naman siyang pormal at parang ayaw makipag-usap kahit kanino?

“Ang nilalapitan lang, e, ‘yung mga taong alam mong open, ‘yung marunong makisama, ‘yung nagpapahalaga sa mga taong nakakasama niya. Pero kung hindi ganu’n ang tao, talagang iiwasan lang siya,” opinyon ng aming impormante.

Ibang-iba nga raw ang female personality na bumibida sa serye dahil dumarating siyang walang kibo, ni hindi namamansin ng mga taong dinadatnan niya, problemado raw ba ang nasabing aktres?

Patuloy ng aming source, “Napakaseryoso kasi niya palagi, suwerte na kapag nakikita mo siyang nakangiti, parang pasan niya palagi ang mundo sa itsura niya. Paano naman siya ia-approach ng mga katrabaho niya kung ganu’n ang dating niya?

“Milagro ang nagagawa ng pagngiti, kahit walang sinasabi ang isang tao, basta nakangiti siya, e, natitibag ang gap, ina-appreciate ‘yun!

“Siya lang ang bumibida sa serye na hindi masyadong close sa mga katrabaho niya. Mapag-isa kasi siya, hindi siya nakikihalubilo sa mga co-stars niya. Sabi nga ng isang katrabaho niyang senior star, e, parang pasan daw niya palagi ang mundo sa porma niyang palaging seryoso lang.

“Meron namang nagtatanong kung dati na ba siyang ganu’n? Para siyang may sumpong, palaging may tantrums, nakakailang talaga kapag ganu’n ang isang artista.

“Sana naman, e, hindi niya dinadala sa set ang mga problema niya, iiwanan niya dapat ‘yun sa bahay niya, para maging maganda ang interaction niya sa mga kasamahan niya sa trabaho.

“And it applies to all! Kesehodang anak-mayaman pa siya sa totoong buhay, kahit pa pinakamatalino na siyang tao sa mundo, kahit anak pa siya ng abogado, doktor o general!” pagtatapos ng aming impormanteng napapailing na lang.

Ubos!

Take It… Per Minute sobrang saya!

Sobrang saya ng hatid sa amin ng pagkakaroon ng isang show sa social media. Sa isang tulad namin na mas piniling walang anumang social media account, ang pagkapanganak ng Take It… Per Minute ay isang bagong atake, grabe pala ang naaabot ng ganu’ng palabas.

Ang mga kaibigan naming matagal nang naninirahan sa Canada, Amerika, Saudi Arabia, Australia at United Kingdom ay tumutok sa unang sultada ng show namin ni Manay Lolit Solis sa PSN (Pilipino Star NGAYON) Facebook Page nu’ng nakaraang Martes nang tanghali.

Isang oras na chikahan ‘yun na walang break, tuluy-tuloy lang ang kuwentuhan, kaya sabi ni Salve Asis na patnugot namin ni Manay Lolit, “Nay, dyuminggel ka na! Walang break ito!”

Maraming-maraming salamat kay Boss Miguel Belmonte na may pabulaklak pa sa amin ni Manay Lolit, maraming salamat sa PSN staff at kay Salve Asis na tunay namang nagpakahirap para sa ikagaganda ng show, maraming salamat sa mga regular naming tagapakinig-tagapanood sa Cristy Ferminute sa Cignal Channel 6 na tumutok mula sa umpisa hanggang sa dulo ng Take It… Per Minute.

At maraming salamat sa aming assistant na si Japs Gersin na nagdisenyo sa aming set, kay Ahwel Paz na may pa-lunch sa buong grupo, at sa mag-asawang Senador Bam Aquino at Timi na humanap ng panahon para makasama namin sa programa.

Sa darating na Martes, alas dose nang tanghali, ay tinatrabaho namin ang pagge-guest ng isang napakakontrobersiyal nag female personality para makasama namin ni Manay Lolit.

Ang tanong, kakasya ba ang isang oras lang ng Take It… Per Minute kapag pumayag siyang maging panauhin namin, si Salve Asis na at ang PSN staff ang bahalang magdagdag ng oras kapag kinailangan.

Mula po sa amin ni Manay Lolit Solis, mula sa pamunuan ng PSN, maraming-maraming salamat sa napakainit na pagtanggap sa unang sultada ng Take It… Per Minute!

Hanggang sa susunod na Martes, alas dose nang tanghali sa Pilipino Star NGAYON Facebook Page, kitakits!

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with