^

PSN Showbiz

Diaries ni Gina Lopez mapapanood na sa Nat Geo!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Diaries ni Gina Lopez mapapanood na sa Nat Geo!

Umayaw sa pulitika, aminadong walang patience sa power play

Aabot na sa ibang bansa ang adbokasiya ng premyadong travel show ni former DENR Sec. Gina Lopez na G Diaries sa ABS-CBN matapos magpirmahan ng partnership ang programa at National Geographic Society (NAT GEO) para sa ikatlong season nito.

Yup, magbabalik ang G Diaries simula Marso 3 upang ibahagi ang kwento ng walong komunidad ng I LOVE (Investments in Loving Organizations or Village Economies) na bibigyan ng teknikal at pinan­syal na suporta para sa mga proyektong isusulong nila upang maiangat ang kabuhayan sa kanilang lugar.

Nangako ang NAT GEO na ipapakita rin ang mga kwentong ito sa buong mundo sa iba-ibang plata­porma nito sa TV at online. Ang National Geographic ang most followed account sa Instagram with 100 million followers bukod pa sa napapanood ang mga programa nila sa almost 180 countries.

Makakasama sila ng G Diaries sa mga  I LOVE sites sa Tublay, Benguet; Bulusan, Sorsogon; Sta Cruz Island, Zamboanga; Polomolok, South Cotabato; Lake Sebu, South Cotabato; Simunul Island at Bongao, Tawi Tawi; Upi, Maguindanao; at Maramag, Bukidnon, na tutulungang payamanin at palawakin ang mga industriyang natural sa kanila tulad ng agro-foresty, fishery, at ecotourism.

Naganap ang pirmahan kahapon between Ms. Gina at ni FOX International Channel Senior Vice President at General Manager  Jude Turcuato ng memorandum of agreement para pagtibayin ang pagsasanib-pwersa ng G Diaries at NAT GEO na sikat sa buong mundo.

Anyway, mula noong 2017, sinusu­portahan ng G Diaries ang ad­bokasiya ng I LOVE sa pama­magitan ng pagkukwento ng mga karanasan ng mga komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng kanilang lugar. Noong 2018, nanalo ito ng Best Travel Show sa ika-32 na PMPC Star Awards at Most Development-Oriented Environment Program at the UP Gandingan Awards 2018.

Iba nga kasi ang passion at pagiging hard working ni Ms. Gina sa kanyang mga advocacy na mas nabigyan niya ng mas mahabang panahon matapos ang 10 months na panunungkulan bilang secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kahapon nga sa ginanap na presscon ay ilang beses siyang naiyak dahil sa pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang mga project sa I LOVE Foundation.

Contigeous nga ang passion ni Ms. Gina na nakakahinayang na walang interes sa pulitika. “I don’t have patience in power play,” sabi niya kahapon.

May mga nanghihinayang kasi na hindi siya kumandidatong senador.

Anyway, napapanood ang G Diaries  Season 3 sa ABS-CBN tuwing Linggo simula March 3,  10:00 am. Mapapanood din ito sa TV sa ANC, the ABS-CBN News Channel at sa METRO Channel.

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with