^

PSN Showbiz

Jolo babaeng katulad ni Lani ang kailangan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jolo babaeng katulad ni Lani ang kailangan!
Jolo

Sana nga ay happy na sina Jolo Revilla at Angelica Alita dahil kahit magalit si Jolo, para sa akin, the best one for him is Jodi Sta Maria.

Ewan ko but I have a feeling that they are really meant for each other. ‘Yun nga lang, after eight long years, na-outgrow nila ang love na parang hindi mabigyan ng justice dahil hindi makuha ni Jodi ang annulment sa kasal nila ni Pampi Lacson.

Imagine, waiting si Jodi for that annulment para maging legal na ang love nila ni Jolo pero hindi naibigay kaya nagdagdag ito ng stress sa kanilang relasyon.

Kung mali ako at talagang si Angel na ang the one para kay Jolo, the one that got away na lang si Jodi.

Maging matibay sana ang relasyon ni Jolo sa kung sino man ang magiging asawa niya dahil what he need is somebody like his mom Lani Mercado.

Isang babae who will stand and stay by his side kahit ano pa ang nangyayari sa buhay nila, through ups and downs, through thick or thin, through  all the storms in Jolo’s life.

Ganoong katibay at klase ng babae ang nararapat para kay Jolo, isang kagaya ng kanyang Mommy Lani.

I wish Jolo all the luck in finding a jewel to be his wife, forever.

Kaya naghiwalay?

Winwyn at Mark hindi pantay ang wave length!

Sad news for me ang break up nina Mark Herras at Winwyn Marquez. Tatlong taon ang itinagal ng kanilang relasyon at namatay sa mga panahon na ‘yon ang mga tao na mahal na mahal ni Mark, ang kanyang Daddy Jun, Tito Hermie at ang nanay niya.

At the time, si Winwyn ang nasa tabi niya at talagang dumamay sa kanya.

Ang pagkakaroon ni Winwyn ng college degree ang isang bagay na gusto ko at siya ang inaasahan ko na magiging guide ni Mark para makatapos ito ng college.

Good influence si Winwyn dahil nababantayan at napu-push niya si Mark na aaminin ko na medyo hindi competitive, medyo passive sa buhay at hindi matindi ang drive kaya siguro hindi ganoon ka- active ang kanyang showbiz career.

Ang drive o ang pagiging pursigido ni Winwyn ang makakatulong kay Mark pero sadly, nag-break sila.

Sana nga hindi pa final ang kanilang paghihiwalay. Sana maayos ang lahat pero dapat sabayan ni Mark ang drive at passion ni Winwyn para maging pantay ang wave length ng utak nila.

Nakita naman natin ang mga ginawa ni Winwyn nang sumali siya sa Reina Hispanoamericana noong 2017. Pinaghandaan as in kinarir niya ang pagsali kaya siya ang nanalo, kesehodang matatangkad at mga mestiza ang kanyang mga kalaban.

At sana hindi pa huli para magkaroon ng competitive juice sa katawan si Mark. Dapat magpakitang-gilas na siya sa trabaho dahil getting older, refusing to grow up ang drama niya.

Hay naku, watch na lang natin Time & Again, ang pelikula nina Winwyn at Enzo Pineda. May nakapagsabi sa akin na cute ang kanilang project sa Regal Entertainment Inc. na may playdate sa February 20 at mula sa direksyon ni Joey Reyes.

Sina Winwyn at Enzo ang mga personal choice ni Joey para magbida sa Time & Again.

vuukle comment

JODI STA MARIA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with