^

PSN Showbiz

Mag-asawang showbiz at politics, iuuwi na ang kambal na anak galing sa siyensiya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Handa na ba silang maging mga magulang?

Wala pala rito ngayon ang kilalang mag-asawa sa showbiz at politics.

Kailangan nilang lumipad patungong ibang bansa para kunin na ang magandang regalo sa kanilang mag-asawa.

Ang regalong ito ay ang kambal na iuuwi nila isa sa mga araw na ito.

Matagal na rin naman nilang pinlanong magka-baby pero mahirap na kay wifey dahil sa kanyang edad.

Pero siyempre sa tulong ng siyensya, nagawa nila ito dahil naging successful naman ang pina-fertilize na eggs nito at ipinadala sa sinapupunan sa isang magandang surrogate mom.

Isang negosyante na mabango ang pangalan ang tumulong sa kanila, at ipinakilala sa isang lawyer sa ibang bansa na siyang nag-aayos tungkol sa surrogacy.

Nabuo ito at ngayon ay susunduin na nila si baby na hindi lang isa, kung hindi kambal pa.

Hindi naman siguro nila ito itatago sa publiko at magiging masaya pa silang ibahagi sa lahat ang pagkakaroon nila ng malusog na kambal.

Pagdating na lang nila malalaman natin kung cutie boy o girl ang kanilang kambal.

Malalaman na rin natin kung may ‘K’ ba talaga si wifey na maging mother.

Kaya maganda ang balitang ito pagbalik nila.

Vice ang daming kuda Concert nila ni Regine,  halos madaling araw na natapos

Isang kaibigan ang nakapanood sa The Songbird and the Songhorse na Valentine concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Sabi niya sa amin, sold-out nga raw ang tatlong gabing concert na ito, at nung first night nga, 8:25 ng gabi raw sila nagsimula dahil maaga pa lang daw napuno na agad ang buong Araneta.

Sa dami raw ng ginawa ng dalawa, pasado alas-dose na raw natapos ang buong concert.

Bukod sa rami ng mga kinanta nila, sangkatutak din daw ang mga kuda na napanood na raw nila kay Vice Ganda sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Iba-iba raw ang guests gabi-gabi pero sa unang gabi, ang ganda raw ng number nina Robin Padilla at Regine Velasquez, at meron din si Vice Ganda kasama si Zeus Collins.

Makabayan pa raw with matching wagayway ng watawat natin sa solo number ni Robin, habang nagbibihis si Regine. Cute din daw ang duet nina Regine at Robin.

Touching daw ang ginawa nina Regine at Vice kay Anton Diva na nanoood lang doon, pero tinawag nila at pinagbihis ng gown at isinama nila sa isang song number.

Hindi pa rin nawawala ang mga bastos na jokes ni Vice Ganda kaya naglagay daw sila ng disclaimer na bawal ang mga bata sa ginawa niyang spoof na Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos.  So far, masaya naman daw at sulit ang ibinayad sa ticket, pero sana sa susunod daw na gabi ay medyo bawas-bawasan daw ni Vice ang mga kuda niya.

Bukod kina Regine at Vice, successful din ang mga Valentine shows gaya ng Master of Love ni Ogie Alcasid kasama si Maestro Ryan Cayabyab sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Napadaan din ako sa PICC na kung saan doon naman ang Timeless Classics nina Martin Nievera at Lani Misalucha. Nagkatrapik-trapik doon sa dami ng mga sasakyang naghahanap ng mapa-parkingan.  

Sobrang pinalakpakan naman daw ang bonggang performance nina Joanna Ampil, Reuben Laurente at Arman Ferrer sa kanilang Silver Li­ning concert na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC.

Kaya wagi na naman ang mga nagpa-concert nung Valentine’s at mamayang gabi naman ang kina AiAi delas Alas at ang The Hitma­kers na sina Rey Valera, Hajji Alejandro at Marco Sison sa Resorts World Manila.

Dahil nga Valentine’s Day at lumabas halos lahat ng mga tao para mag-date sa Araw ng mga Puso, lalong lumakas ang Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Mahigit P61.9-M daw ang kinita sa pangalawang araw, na lalong lumakas daw nung gabi dahil siguro sa mga nag-date nung V-Day.

Maganda naman daw kasi ang pelikula kaya may ‘word of mouth’ puwede pa siyang lumakas lalo sa weekend.

Kaya nga ang dating mahigit 200 cine­mas, na­ging 330 na raw ito ngayon.

Masaya naman ang lahat sa boxoffice success ng LizQuen movie, at nabanggit nga ito ni direk Joey Reyes sa mediacon ng Time & Again ng Regal Entertainment.

Kaya sana nga tuluy-tuloy na raw ito.

Dahil sa boxoffice success ng Alone/Together, sana nga matuloy na rin sa Time & Again nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda na kakaibang love story naman ito. Sa February 20 na kasi ang showing nito, na tiyak may mga sinehan pa yan sa LizQuen movie.

Pero sabi ni direk Joey; “I will use the words that my father told me, ‘bahala na si batman’. Whatever will be, will be.

“The point is that Winwyn and Enzo, and everybody in that group gave their best, and I am so happy with the movie. How the audience will respond to it, that’s their decision, that’s their call and I will take it against them. Regardless of whatever decision they made.”

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with