^

PSN Showbiz

Ali burado na talaga sa buhay ni Cristine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ali burado na talaga sa buhay ni Cristine
Cristine

Mukhang hindi na parte ng buhay ngayon ni Cristine Reyes (liban sa pagiging ama ng kanyang four-year-old daughter na si Amarah) ang kanyang ex-husband na si Ali Khatibi dahil hindi na makikita ang mga larawan ng MMA artist-turned actor sa Instagram account ng singer-actress.

Nung isang taon pa nagkahiwalay ang dating mag-asawa pero hindi nagsalita ang magkabilang panig na may kinalaman sa kanilang break-up.

Geoff lalaki ang magiging pangalawang anak

Malapit nang ma­ging ate ang one-year-old daughter ng 33-year-old actor na si Geoff Eigenmann na si Arabella dahil kasalukuyang ipinagbubuntis ng partner ni Geoff na si Maya (Angeli Mae Flores) ang kanilang magiging second baby na isang boy.

Excited na umano si Arabella na magkakaroon ng kalaro sa kanyang baby brother.

Si Geoff ay isa sa tatlong anak ng estranged couple na sina Gina Alajar at Michael de Mesa. Ang dalawa pa ay sina Ryan at AJ Eigenmann.

Bago si Maya ay naging kasintahan dati ni Geoff sina Heart Evangelista at Carla Abellana.

Ciara kuntento ang lovelife

Masaya na naman ang estado ng puso ng bunsong anak ng mag-asawang Senate President Tito Sotto at ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto na si Ciara Sotto dahil sa pagda­ting sa kanyang buhay ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.

Si Ciara ay tatlong taon na ring hiwalay sa kanyang ex-husband na si Jojo Oconer kung kanino siya may four-year-old son na si Vicenzo `Crixus’ Xose na nasa kanyang pangangalaga.

Dati nang boyfriend ni Ciara si Ian in 2008 pero hindi ito ang kanyang nakatuluyan kung hindi si Jojo. Pero muli silang nagkabalikan nung isang taon.

Nag-file na rin umano ng annulment ng kanilang kasal ni Jojo si Ciara.

Pag-amin nina Liza at Enrique, nakatulong!

Bukod sa merito ng pelikulang Alone/Together na pinagbibidahan ng reel and real sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone under Black Sheep Productions, ay nakatulong din ng malaki ang pag-amin ng LizQuen sa tunay na estado ng kanilang relasyon na nagsimula pa pala in October 2014 nang gawin nila ang teleseryeng Fore­vermore.

Nangyari rin ito sa KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na umaming mahigit limang taon na palang magkasintahan bago ipalabas ang kanilang megahit movie na The Hows of Us in September last year.

Kumita ito ng mahigit P900-M making it the biggest local movie of all time at na-surpass ang mga pelikula ni Vice Ganda na siyang may hawak ng box office record dati.

 

vuukle comment

CRISTINE REYES

GEOFF EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with