^

PSN Showbiz

Take It… Per Minute! sa Tuesday na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Take It� Per Minute! sa Tuesday na!
Lolit at Cristy

Tandaan ninyo ang Pilipino Star NGAYON Facebook Live every Tuesday ng tanghali ang Take It… Per Minute, ang bagong online show namin ni Cristy Fermin.

Naku isang oras lang ‘yon, every Tuesday, magtiyaga na kayo manood para makarinig kayo ng mga tsismis na bago at hindi fake news.

Alam n’yo naman ako, senior millennial - may Instagram, may online show pa, bongga pero kung hindi lang dahil kay Papa Miguel Belmonte wah ko na type na magkaroon ng online show dahil hindi naman ako marunong mag-host.

Kadalasan may mental block ako, bobo na mag-pronounce ng mahihirap na salita at hilig ko lang bumati nang bumati.

Sabi nga noon ni Kris Aquino, I cheapened the show dahil madalas na walang mga  kawawaan ang mga sinasabi ko kaya for 20 years ng Startalk, never na nanalo ako ng best talk show host award.

Buti na lang, hindi big production ang alok ng Pilipino Star Ngayon, chika-chika lang kaya pumayag ako. Parang daldalan lang kaya okey sa akin at hindi ako puwedeng tumanggi dahil sure ako na every show namin, may dala si Cristy na tapa, longganisa at ibang mga pagkain para sa amin.

Malasakit sa kapwa, hindi pa rin nawawala

Isang bagay ang napansin ko, ang courtesy ng mga driver sa kapwa nila drivers kapag bumibiyahe ako sa kalye.

Siguro nga may polarizing kaya mababait ang taxi drivers sa kapwa nila taxi drivers at ganoon din ang mga jeepney driver.

Medyo aggressive at defensive ang mga taxi at jeepney driver kung ikukum­para sa mga driver ng private vehicle pero may courtesy sila sa mga nagpapasada ng jeep at taxi.

Kung mapapansin ninyo, kapag nagkakaroon ng traffic, pumapayag ang kapwa driver na pagbigyan ang tulad nila, sabay kaway ng kamay, ang sign na nagpapasalamat siya.

Kapag may mga pasahero na bumababa mula sa jeep at may kasunod na jeep, hindi muna dumidikit ang kasunod para may buwelo ang nasa unahan niya.

Talagang tayong mga Pilipino, hindi nawawala ang malasakit sa mga katropa natin. Isinasaalang-alang natin ang feelings ng ating mga kasamahan at kaibigan sa hanap-buhay.

May mga club nga tulad ng Ilokano Club, Bisaya Club, Kapampangan Club kaya nagtataka ako, bakit hindi na lang isang club para kasali ang lahat?

Kung may solidarity lang tayo mas matibay, mas mahigpit ang binding rope that tie together,kaso nga hindi.

Kung extended sa lahat ng drivers ang kabaitan na ipinakikita ng  jeepney driver sa kapwa niya jeepney drivers, palagay ko less chaotic at mas maayos ang traffic situation sa bansa natin.

Kung ang mga kababayan natin sa abroad, iisa lang ang bansa na inire-represent, sure ako na mas malakas ang dating natin. Para na tayong mga Puerto Rican at Mexican na buo ang representation sa mga Latino.

Watak-watak at iba’t iba kasi ang organisasyon ng mga Pilipino kaya parang maliit at mahina. Well, sana maisip nila ‘yan later on, para stronger ang representation natin dahil Pilipino tayong lahat, kahit Ilokano, Bisaya o Kapampangan ka. Ang importante, Pilipino ka!

Barbie may cut off sa taping

May cut off si Barbie Forteza sa taping ng Kara Mia kaya siya ang nauuna na umuwi kesa sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Si Jak ang nagsabi na may cut off time si Barbie kaya hindi na niya naihahatid sa bahay ang kanyang girlfriend kapag may taping sila ng Kara Mia.

Si Jak ang love interest ni Barbie sa coming very soon primetime program ng GMA-7. Dahil magkasama na sila sa iisang show, may oras na sina Jak at Barbie para sa isa’t isa. Hindi kagaya nang dati na limitado ang kanilang pagkikita dahil may mga conflict sa mga taping schedule nila.

vuukle comment

CRISTY FERMIN

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with