^

PSN Showbiz

Karla tawang-tawa sa pinaggagawa sa sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karla tawang-tawa sa pinaggagawa sa sarili
Karla

Sa February 27 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Karla Estrada na Familia Blandina.

Excited na ang ‘Queen Mother’ dahil muli siyang mapapanood sa isang kwelang proyekto. “Abangan n’yo dahil pinaghahandaan natin ang premiere night, ang press conference,” bungad ni Karla.

Matatandaang mahigit isang taon na ang nakalilipas nang huling nakagawa ng pelikula ang aktres. Kabilang si Karla sa Metro Manila Film Festival 2017 entry na Gandarappido: The Revengers Squad na pinagbidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurztbach.

Kahit kinakabahan para sa bagong pelikula ay sinisiguro naman daw ni Karla na talagang nakakatawa ang Familia Blandina. “For some reason, ‘yung kaba ko, nauuwi sa excitement eh. Hindi ako kinakabahan na parang nerbiyos eh, nae-excite ako kasi nakakatawa na parang umabot ako sa punto na panoorin n’yo. Nakakatawa, ang laki-laki ko sa screen,” natatawang pahayag ng Magandang Buhay host.

Ipinagmamalaki ni Karla ang nasabing pelikula dahil bukod sa nakakatawa ay maganda rin umano ang kuwento nito. “Nakakatawa kasi ang dami naming katatawanan ni Jobert (Austria) at ng buong family, pero kasi ako natawa sa sarili ko. Sabagay, natatawa ako sa sarili ko talaga. So what more kung napanood n’yo talaga. Alam mo ‘yung nakakatawa tapos pulot na pulot mo ‘yung kuwento dahil ang simple, dahil ang mga batang pinanganak mo sa America, bigla mong inuwi sa probinsya. So na-culture shock ang mga anak ko dito,” pagdedetalye ng aktres.

Beauty ayaw pa uling mabuntis

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama ni Beauty Gonzalez ang asawang si Norman Crisologo at anak nilang si Olivia sa isang product endorsement. Matagal raw na pinag-isipan ng aktres kung ihaharap na rin niya sa publiko ang anak. “Of course pinag-isipan ko muna kasi it’s her first time. Mas ako ‘yung kinakabahan kaysa kahit sino. Kasi siyempre honestly I want something naman that we’re proud of that we’re using this product. Ayaw ko naman na pa-showbiz-showbiz lang for the sake of endorsement,” paliwanag ni Beauty.

Ayon pa sa aktres ay hindi nangangahulugang tuluyan nang papasukin ni Olivia ang show business ngayong mayroon ng endorsement ang bata. “No, not yet pa, but honestly we’re trying but I don’t wanna pressure her. I just want her to enjoy na parang wala lang. Kasi baka naman ma-overwhelm at matakot siya. Slowly, I’m very protective about her,” giit ni Beauty.

Tatlong taong gulang na ngayon si Olivia pero wala pa raw balak na muling magbuntis ang aktres. “I just wanna be honest about it, not this year, not in two years, but I’m thinking about it,” pagtatapat niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with