^

PSN Showbiz

Janella marami nang naipong datung!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella marami nang naipong datung!
Janella

Malaki ang pasasalamat ni Janella Salvador sa inang si Jenine Desiderio dahil sa paggabay sa dalaga pagdating sa investment.

Sa murang edad ng aktres ay napapalago na ang perang mga kinikita mula sa iba’t ibang trabaho. “Actually, marami akong ini-invest dati sa money ko. I have to give credit to my mom kasi sobrang galing niya mag-handle ng money. Siya ang nag-i-invest mostly for me,” bungad ni Janella.

Sa ngayon ay nagpaplano na rin ang aktres na magkaroon ng sariling negosyo. “Wala pa akong business as of now pero I’m planning. Ayoko i-spill kung ano ‘yon pero I’m planning,” pagtatapat ni Janella.

Matagal-tagal nang hindi napapanood sa isang teleserye ang dalaga pero may ibang mga proyektong pinaghahandaan na ngayon si Janella. “No definite plans yet. Pero definitely may projects this year. Pero for now I’m working pa on my second album. Super different siya from my previous music ‘coz siyempre nag-mature na ako. That was like three years ago yata. Very different na ‘yung sound, as hands-on na ako,” nakangiting pahayag ni Janella.

Sofia at BF sa kotse nagba-bonding

Isang car racer si Daniel Miranda na kasintahan ngayon ni Sofia Andres. Ayon sa aktres ay talagang magkasundo sila ng binata sa maraming mga bagay kaya maayos na maayos ang kanilang relasyon. “They said nga we’re like twins. I’m so happy na we get along. Hindi kami masyadong nag-aaway and he understands na ‘yung work ko ganito. I’m always like, you know, hectic ‘yung schedule, hindi kami masyadong nagkikita,” nakangi­ting paglalahad ni Sofia.

Kapag mayroong panahon ay nagi­ging libangan na ng magkasintahan na kumuha ng larawan at videos ng kanilang bonding. “Kapag nagkikita kami, we make a lot of video, we take a lot of pictures,” pagbabahagi ni Sofia.

Isa pa sa mga paboritong gawin ng magkasintahan ay ang racing na talagang hilig ni Daniel. “He’s adventurous kasi. He likes beach, he likes to race. So most of the time I spend ‘yung mga bonding namin sa car. He wants to speed, and I love watching him race. We support each other,” kuwento ni Sofia.

Samantala, huling napanood ang aktres sa Wansapanataym at sa isang episode ng Ipaglaban Mo. Excited na si Sofia sa kanyang pinaghahandaang bagong proyekto dahil magiging mapangahas na raw siya rito. “Nag-aabang din ako, but let’s see. More mature roles na,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with