Singaporean socialite na may pinaka-maraming Hermes nakipag-tea kay Heart
Nag-tea tsikahan sina Heart Evangelista at ang Singaporean socialite na si Jamie Chua base sa IG post ni Heart the other day.
Si Jamie ang sosyalerang Singaporean na isa sa may pinakamaraming collection ng Hermes bag - more than 200 Hermes bag - sa buong mundo. “Afternoon tea with @ec24m. It was so lovely to see you,” caption ni Heart sa photo nila together na kasalukuyang nasa Singapore para sa sini-shoot niyang movie na hindi pa rin niya binabanggit kung anong title.
Nag-viral ang video ni Jamie Chua nang ipakita niya ang mga mamahalin niyang kagamitan, mula sa bag, sapatos, mga damit, as in hindi ka lang maglalaway. Siya ang sinasabing real Crazy Rich Asian. Meron si Ms. Chua na 700-square foot wardrobe space na puno ng designer goods.
Nauna nang sinabi ng Singaporean writer na si Kevin Kwan na si Heart ang real Crazy Rich Asian.
- Latest