^

PSN Showbiz

Asawa ni AiAi magso-solo na sa pagpapalipad

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Asawa ni AiAi magso-solo na sa pagpapalipad
Gerald Sibayan

SEEN: Ang ma­sa­rap na leche flan na gawa ng ina ni Joey De Leon ang mami-miss ni Vic Sotto at ng mga host ng Eat Bulaga. Binawian ng buhay si Mrs. Emma De Leon, ina ni Joey, sa edad na 93 noong February 10, 2019. Nakaburol sa Faith Chapel ng Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Ara­neta Avenue, Quezon City ang bangkay ng nanay ni Joey.

SCENE: Kahapon ang pilot telecast ng Inagaw Na Bituin, ang afternoon prime drama series ng GMA 7. Kontrabidang-kontrabida at kaiinisan na agad ang karakter ni Angelika dela Cruz.

SEEN: Sa cast ng Inagaw Na Bituin, sina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon at Marvin Agustin ang ipinadala para maglaro kahapon sa Boom segment ng Eat Bulaga dahil sa akala na masasagot nila ang lahat ng mga katanungan. Pare-parehong na-boom ang tatlo.

SCENE: Kahapon ang third anniversary ng relasyon nina James Reid at Nadine Lustre. Hindi nakaligtaan ng JaDine fans na batiin ang dalawa na nagdiwang sa isang beach resort.

SEEN: Tuloy na tuloy ang pagbibida ni James Reid sa Pedro Penduko pero made-delay lang ang shooting dahil sa mga paghahanda.

SCENE: The Untold Story: Kings of Reality Shows ang pamagat ng movie project nina Mave­rick Relova at Ariel Villasanta na balak nila na ipa­labas sa mga sinehan ngayong 2019.

SEEN: Nakalagak sa St. Peter Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Quezon City ang bangkay ni Bentong at magsisimula ngayon, February 12, ang public viewing sa kanyang bangkay.

SCENE: May bit exposure sa Exit Point si Marella Ricketts, ang anak nina Ronnie Ricketts at Mariz na nagtatrabaho para sa isang fa­shion and lifestyle magazine.

SEEN: Mangyayari nga­yong linggo ang pagpapalipad ng eroplano sa ­unang pagkakataon ni Gerald Si­bayan, ang asawa ni AiAi Delas Alas na seryoso ang pangarap na maging piloto.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

GERALD SI­BAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with