^

PSN Showbiz

Mga estudyante sinampal ni Gladys natuwa pa!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Mga estudyante sinampal  ni Gladys natuwa pa!
Gladys

SEEN: Sigurado si Gladys Reyes na hindi mga menor de edad ang mga estudyante ng De La Salle University na humiling na sampalin niya sa kanilang acting workshop noong February 7, 2019. Imbes na masaktan, natuwa pa ang mga estudyante.

SCENE: Hindi natapos sa isang beach resort sa Thailand ang 30th birthday celebration ni Cristine Reyes, ayon sa kanyang kapatid na si Ara Mina. Pagkatapos dumalo sa story conference at workshop ng Untrue noong nakaraang Huwebes, lumipad si Cristine sa Boracay.

SEEN: Ngayong hapon ang pilot telecast ng Inagaw Na Bituin, ang afternoon prime drama series ng GMA-7. Mga bida sa Inagaw Na Bituin sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin at Gabby Eigenmann kasama sina Kyline Alcantara at Therese Malvar, ang lead stars ng Inagaw Na Bituin.

SCENE: Sa August 2019 pa ang Mrs. Universe competition sa South Africa pero pinaghahandaan na ito ni Patricia Javier, ang official candidate ng Pilipinas. Plano ni Patricia na magdala sa South Africa ng Dr. Rob’s Guide To Better Health & Wellness, ang libro na isinulat ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher. Health and Wellness ang mga advocacy ng mag-asawa.

SEEN: Ang mga positive feedback sa poster at full trailer ng Ulan, ang pelikula na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. Si Irene Villamor, ang direktor ng blockbuster movie na Sid & Aya: Not A Love Story, ang direktor din ng Ulan na ipalalabas sa March 13, 2019.

SEEN: Ang pahayag ni Senator JV Ejercito sa Senatorial Debate ng GMA-7 na beneficiary siya ng political dynasty at kapwa sila kumakandidato na senador ng kanyang half-brother na si Jinggoy Estrada. “Kinakailangan po na kami ay tumakbo upang maging kinatawan ng taumbayan at hindi po ng pamilya,” ang paliwanag ni JV.

SCENE: Likas na matitigas ang ulo at walang disiplina ang mga Pilipino na bumalik kahapon sa restricted areas sa Manila Bay, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng mga awtoridad.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with