^

PSN Showbiz

Andrea at Kyle, MYX celebrity VJS ngayong love month

Pilipino Star Ngayon
Andrea at Kyle, MYX celebrity VJS ngayong love month
Andrea at Kyle

MANILA, Philippines — Ang Kadenang Ginto stars na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ang mga bida ngayong buwan ng pag-ibig bilang MYX Celebrity VJs na maghahatid ng bagong musika at mensahe ng pagmamahal ngayong Pebrero.

Bubuhayin pa lalo nina Andrea at Kyle ang numero unong music channel ng bansa sa kanilang kulitan habang dala ang mga hiling na kanta, bagong tugtugin, at madamdaming mga mensahe para sa MYX viewers.

Haharap naman ang funk rock band na IV of Spades sa music channel bilang MYX Headliner.

Tunghayan ang lead vocalist at bassist na si Zild Benitez, lead guitarist na si Blaster Silonga, at drummer na si Badjao de Castro sa kanilang pagtatanghal sa mga minahal na kanta tulad ng Bawat Kaluluwa, In My Prison, at Mundo.

Maki-jam naman kasama ang rapper-producer duo na Good Kid$, binubuo nina Gaby Singson at Bernie Margulies, na tatayo naman sa ilalim ng MYX Spotlight. Tuklasin and kanilang hip-hop/rap tracks tulad ng Eyes, For Tonight, at Show Me, sa kanilang pagsali sa music channel para sa kabuuan ng buwan.

Samantala, maaaring maghandog ng love notes ang mga manonood para sa kanilang special someone sa Love on MYX at magkaroon ng pagkakataon na basahin ng kanilang paboritong VJ ang nasabing mensahe sa MYX Valentine’s Day Special.

Gerald MVP sa sportsfestng Star Magic

Exciting ang naging tema ng sportsfest ng Star Magic ngayong taon sa partnership pa rin with Sun Life Financial na ginanap sa Camp Aguinaldo last January 27.Nahati sa apat na grupo ang Harry Potter-inspired teams na Red, Black, Green and Blue with four different sports tulad ng basketball, volleyball, badminton at iba pang fun games.

Nagsimula ang sportsfest with the parade ng participating teams kasama ang kanilang naggagandahang mga muse na sina Yasmyne Suarez, Ysabel Ortega, Vivoree Esclito, Julia Barretto, Ritz Azul at Kisses Delavin.

Sinundan ito ng opening program na pinangunahan ng SunPiology’s official face na si Piolo Pascual.

Buong umagang nag-enjoy ang mga kasama sa game at ang GryffinRed team ang nagwagi bilang over-all champion na sinundan ng team SlytheGreen and BlackPuffs, as the first and second runners up, respectively.

Ang Team Gryffinred na pinamunuan ni Ejay Falcon among others, ang nagwagi sa basketball category. First runner up naman ang Team RavenBlue nina Jairus Aquino at Bugoy Cariño. Ang SlytheGreen naman na binubuo nina Diether Ocampo, RK Bagatsing, Elmo Magalona, Turs Daza, Grae Fernandez at McCoy de Leon, ang nasa second runner up spot.

Sina Ejay Falcon, Patrick Su­gui, Anjo Damiles at Bugoy Cariño ang napili para bumuo ng Mythical 5, habang ang newbie na si Raven Molina ang siyang Rookie of the Year.

Ang captain naman ng Star Ma­gic Dream Team na si Gerald Anderson ang siyang naging Most Valuable Player after leading their team to a victory against Sun Life Financial’s team with the final score of 105-99.

Ang Dream Team ay binubuo nina Ronnie Alonte, Jimboy Martin, Jose Sarasola, Luis Hontiveros, Joe Vargas, Miko Raval, Kyle Velino, at Axel Torres. Kapansin-pansin na talaga namang sineryoso ng mga manlalaro ang naging team nila.

Sa badminton games naman, second place ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual ng Black team while PJ Endrinal and Dominic Roque from the Blue team bested everyone in the men’s doubles category.

Sobrang exciting din ang naging badminton game na ang Green team nina Julia Barretto, Vivoree Esclito, Ashley Colet, Dionne Monsanto, Magui Planas and Chokoleit, among others, ang siyang nag-champion.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with