^

PSN Showbiz

Mga pelikula flop na naman, direktor nagpa-panic na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga pelikula flop na naman, direktor nagpa-panic na
Kathniel

Jackie Chan damay...

May punto si direk Erik Matti sa hanash niya sa kanyang Twitter account tungkol sa sunud-sunod na pag-flop ng mga Pinoy films na ipinalabas sa mga sinehan pagpasok ng 2019.

Sabi nga niya, kahit ang Metro Manila Film Festival 2018 ay hindi naman talaga ganun kalakas kung ikumpara nung mga nakaraang taon.

Malalaman naman ‘yan sa Appreciation Dinner ng MMFF sa February 21.

Nakakadismaya nga na hindi ganun kalakas ang mga ipinalabas nung nakaraang Miyerkules na Elise at Hanggang Kailan.

Maganda ang feedback sa Elise na naka-Grade A mula sa Cinema Evaluation Board, at ang Hanggang Kailan ng Viva na Graded B naman. Pero hindi talaga ganun kalakas. Plus marami pang mga foreign film na kasabay.

Pero sabi ng aming reliable source, kahit ang Jackie Chan movie na nag-showing din last Wednesday ay lugi pa raw kung tutuusin dahil hindi rin ito ganun kalakas.

Malaking bagay siguro yung pres­yo ng ticket sa sinehan na napakamahal na.

Inaasahang makakabawi sa Pinoy films ay ang Alone/Toge­ther nina Liza Soberano at Enrique Gil na ngayon pa lang ay puspusan na ang promo ng Black Sheep at ABS-CBN.

Sabi ng karamihan, bukod sa napakamahal ng sine, malaki ang epekto ng mga magagandang drama series at mga programang napapanood sa TV.

Nakadagdag pa ngayon ang digital na ang daming magagan­dang mapapanood sa Netflix.

May pinu-produce na rin nga­yong para sa iWant at Iflix.

Ang latest nga itong Project Feb. 14 na pinagbibidahan nina Jane Oineza, McCoy de Leon at JC Santos na dinirek ni Jason Paul Laxamana. Medyo daring daw dito si Jaine at maselan ang topic ng pelikula na tumatakalay tungkol sa suicide.

Kung nakapag-subscribe ka sa iWant, pati sa Netflix, hindi ka na magtiyagang suungin ang traffic at gagastos ng 300 pesos para manood ng pelikula. Sa bahay ka na lang manood.

Kaya malaking bagay talaga kapag may pelikulang kumikita sa mga sinehan.

Isa na nga rito ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ang latest na balita, umabot na raw sa 915M ang kinita pagkatapos itong maipalabas sa ilang bansa.

Kaya bibigyan ito ng parangal ng Camera Obscura sa FDCP Film Ambassadors Night na igagawad bukas, sa Samsung Hall ng SM Aura.

Bale pangatlong taon na itong namamahagi ng Camera Obscura Artistic Excellence Award ay pinakamataas na karangalang iginagawad ng FDCP ni Chairperson Liza Diño.

Ibinibigay ito sa mga pelikula, filmmakers, at mga artistang nagbibigay ng inspirasyon sa Philippine movie industry dahil sa kanilang tagumpay at husay sa larangan ng pelikula.

Bukod sa The Hows of Us, gagawaran din ang National Artist for Film na si Kidlat Tahimik at si Bianca Balbuena na siyang nag-produce ng pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis ni direk Lav Diaz at Engkuwentro ni direk Pepe Diokno.

Bahagi pa rin ito ng nalalapit na pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema na sana may makatulong sa ating movie industry.

Jinggoy ramdam pa ang pagiging artista

Puspusan na rin ngayon ang paglabas ng mga kakandidato sa eleksyon sa mga TV show.

Sabi nga ni Willie Revillame, naniniwala raw siyang mas malakas pa rin ang TV kesa sa social media.

“Punta ka lang sa lugar na walang wifi, wala ka ng social media. Kahit saan merong TV, merong radio. Iba pa rin talaga ang power ng TV, kaya may edge talaga kapag kilala kang artista na papasok sa pulitika.” Bukod sa dating Sen. Bong Revilla, na-enjoy nang husto ng dati ring Sen. Jinggoy Estrada ang pagiging artista kaya pagkalabas pa lang niya ng Camp Crame, pagkatapos niyang mag-bail, ramdam daw niya talaga ang pagkasabik sa kanya ng mga tao.

“Nakikita ko na hindi naniniwala ang mga tao sa mga kaso sa akin, saka alam naman siguro nila na talagang kami’y ginipit at pinagkaisahan lang nila,” pahayag ni Sen. Jinggoy nang magpa-advance birthday ito sa mga kaibigang movie press kamakalawa lang.

Sa ngayon ay naka-focus muna si Sen. Jinggoy sa pangangampanya at kung papalarin siya sa Senado, marami pa raw siyang gustong gawin. May mga plano rin siya para sa movie industry lalo na sa mga maliliit na producers na sana mabigyan pa raw ng tsansang makagawa ng mas maraming pelikula.

Wala munang balak si Sen. Jinggoy na bumalik sa pag-arte dahil kailangan pa raw niyang magpapayat nang bonggang-bongga. Pero aminado siyang malaki talaga ang nagagawa ng pagiging artista kung gusto nitong pumasok sa public service.

vuukle comment

ERIK MATTI

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with