^

PSN Showbiz

Winwyn Marquez naghihintay pa ng sign sa Bb. Pilipinas 2019

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Winwyn Marquez naghihintay pa ng sign sa Bb. Pilipinas 2019
Winwyn

Bulung-bulungan ngayon ang posibleng pagsaling muli ni Teresita ‘Winwyn’ Marquez sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2019 dahil nangangarap siyang lumaban sa Miss Universe.

Matatandaang nakasali na noong 2015 ang dalaga sa nasabing beauty pageant pero hindi pinalad na manalo si Winwyn. 2017 naman nang masungkit ng dalaga ang kauna-unahang titulo bilang Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines. Si Winwyn din ang nanalo bilang Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap naman sa Bolivia. “Tingnan natin, abangan natin kung makikita n’yo ako sa screening. Abangan nila, I just have to weigh things out. ‘Yon lang talaga sinasabi ko. Kung magpakita ako sa screening sasali ako, kung hindi, hindi ako sasali,” bungad ni Winwyn.

Malaki ang pasasalamat ng beauty queen sa pamunuan ng Reina Hispanoamericana dahil suportado ng nasabing organisasyon si Winwyn kung sakaling sasabak muli sa Binibining Pilipinas. “Iyon din ang iniisip ko, kasi happy naman ako sa napanalunan ko, happy naman ako sa experience, happy ako sa tanggap ng tao. Nando’n lang siguro ‘yung na-miss ko ang stage and ‘yung pag sinasabi ng tao, mapapaisip ka, kung gagawin mo ba talaga o hindi,” paglalahad ni Winwyn.

Maging ang mga dating basher ng dalaga ay suportado na rin daw siya ngayon. “I’m very grateful kasi from dati kong haters, naging fans na ngayon. Hindi na nagba-bash sa Twitter o Facebook, even to some of my family members. Nag-message sila, hindi nawawala sa isip ko kahit anong gawin ko. But we have to see kasi maraming kailangang i-consider. Pero I’m praying for something, a sign o whatever pero kung mag-start na ang screening and ‘pag lumabas ako it means I’m trying,” pagtatapos niya.

Angeline ayaw nang maging malungkot sa lovelife

Plano raw na ipasyal muli sa ibang bansa ni Angeline Quinto ang itinuturing na inang si Mama Bob.

Ayon sa singer ay pangarap talagang makarating ni Mama Bob sa Europe. “Nagsimula kami ng Hong Kong, tapos Korea, Dubai. At ngayong taon sana matupad ‘yung pinaplano ko na maisama naman siya sa U.S. at sa Europe. Kasi Europe po talaga ang gustung-gusto ng Mama Bob kasi alam niyang nandun ang Pope sa Italy,” nakangiting pahayag ni Angeline.

Samantala, pagdating naman sa usapin tungkol sa pag-ibig ay wala pa ring maibahagi ang dalaga. “Love life, gano’n pa rin, wala pa rin akong maisagot. Sa ngayon talagang gusto ko lang magtrabaho pa hanggang may trabaho pang naibibigay sa akin. Although mayroong mga nawawala pero kailangan mo lang talagang harapin. Kasi parang magiging malungkot ka, parang kakainin ka na lang ng sistema, parang ganyan. Gusto ko lang pong i-enjoy ang lahat ng trabahong ipinagkakatiwala sa akin ng mga tao,” paliwanag ni Angeline.   (Reports from JCC) 

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

TERESITA ‘WINWYN’ MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with