^

PSN Showbiz

Janine Gutierrez naging kamukha ni Anne Hathaway!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine Gutierrez naging kamukha ni Anne Hathaway!
Janine

Ang ganda ni Janine Gutierrez sa pelikulang Elise na showing na sa mga sinehan starting tomorrow, Wednesday.

Para siyang si Anne Hathaway. Pumayat lang ng konti ang pisngi niya, mas gaganda pa si Janine sa screen.

In person naman ay medyo flat ang nasabing pisngi ng Kapuso actress, pero siyempre sa screen lumulutang ito.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Elise starring Enchong Dee and Janine.

In all fairness, may katuturan naman ang kuwento na tungkol sa ‘childhood love.’

Naging mag-asawa ang role nila at maayos ang pagkakalahad ng back story.

Banggaan sila sa takilya ng pelikulang Hanggang Kailan starring Xian Lim and Louise delos Reyes na Graded B naman ng CEB.

Sana nga ay parehong kumita ang dalawang pelikula at magtagal sa mga sinehan.

Medyo masaklap nga kasi ang kapalaran ng mga pelikulang Tagalog since the beginning of the year.

So sana ngayong simula na ang Year of the Pig sa Chinese calendar ay sana nga ay mag-iba ang kapalaran ng local movies.

Mabilis na nawalis sa mga sinehan last week ang tatlong local films na pinalabas last Wednesday.

Lucky charms sa year of the pig hindi raw safe ang iba

Dahil Chinese New Year ngayon kahit Pinoy na Pinoy ang dugong nanalaytay sa atin, marami ang sumusunod sa tradisyon ng mga Tsino. Karamihan sa atin ay sumusunod sa mga pampasuwerte na sabi ng grupong EcoWaste Coalition ay mag-ingat tayo dahil baka ang mga nasabing lucky charm ay may lason na makakasama sa ating kalusugan.

Nagkalat sa maraming lugar sa Manila ang mga nagbebenta ng lucky charms particularly mga pang-decor sa bahay o mga bracelet.

Kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year, nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition ukol sa pagbili ng lucky charms o pampasuwerte na may lamang nakalalasong mga kemikal.

Ang sabi ng isang taga-EcoWaste, baka raw ang mabili ninyo ay ‘contaminated with cadmium and lead,’ na dalawa sa highly hazardous substances. Meaning mapanganib at masama nga sa ating kalusugan.

Expensive ang mga ‘real lucky charm’ actually.

May kakilala akong maraming suot na bracelet pero lahat authentic na binili pa raw niya sa abroad at lahat ‘yun pampaswerte raw.

Anyway, sana nga ay maging careful tayo sa bibilhing lucky charms.

Ang daming nagkalat ng mga ganito sa Quiapo, Binondo at Sta. Cruz.

Wala namang masamang maniwala sa mga feng shui pero siyempre kilatisin din nating maigi.

Year of the Pig ayon sa Chinese calendar ang 2019.

Kung/Gong Hei Fat Choi.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with