TNT nagpakitang-gilas sa TWB
Ang bongga ng TNT Boys. Napapanood sa YouTube ang perfomance nila sa kakasimulang talent search na The World’s Best sa CBS US. Kinanta nila ang Listen ni Beyonce at talaga namang namangha ang judges na sina Drew Barrymore, Faith Hill and RuPaul pati na ng host ng talent search na si James Corden.
Kaya lang talaga yatang malalamyang kumilos ang tatlong bagets na sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion na nakakuha ng score na 99% - 49 sa judges at 50% including Pops Fernandez na isa sa Wall of the World judges.
Manalo nga kaya ang TNT Boys sa TWB?
- Latest