Katawan ni Kylie bumalik na sa dati
Parang wala namang nagbago kay Kylie Padilla nang humarap siya sa press launching ng comeback serye nila ng ka-’loveteam’ na si Ruru Madrid.
Certified Mrs. Aljur Abrenica na ang Kapuso actress na nagbabalik nga sa TODA One I Love na magpi-premiere this February 4 on GMA Telebabad.
Relatable ang kuwento ng TODA... at nagamit ni Kylie ang husay niya sa Martial Arts base sa trailer na napanood namin yesterday.
Iikot ang kuwento nito sa pamilya, pangarap, at pagmamahal ng tatlong character - Kylie, Ruru and David Licauco.
Masasabit sila sa topsy-turvy politics ng Tricycle Operators and Drivers’ Association or TODA, as well as the local mayoral elections kung saan makikita ng viewers ang hitsura ng mga nagaganap na pulitika sa bansa na presented sa comedy and romance.
Matagal ding namahinga si Kylie sa showbiz matapos ngang manganak at mag-asawa. Bumalik na sa dati ang katawan niya at si Ruru ay medyo pinag-mature dito ng konti.
Ang GMA News and Public Affairs’ ang in charge sa production ng TODA, directed by Jeffrey Hidalgo and Nick Olanka.
Joining Kylie, David and Ruru are Gladys Reyes, Victor Neri, Jackie Rice, Kim Domingo, Tina Paner, Maureen Larrazabal and Raymond Bagatsing
- Latest