^

PSN Showbiz

Female performer nag-iipon na naman, mga pinagpaguran noon biglang nalusaw!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na kagandahan ang galaw ng pananalapi ng isang pamosong female performer. Nagkaroon ng panahon sa kanyang buhay na parang tubig-baha kung umagos palapit sa kanya ang suwerte, marami siyang raket dito at sa ibang bansa man, na ngayon ay madalang na madalang na.

Balewala sa kanya nu’n ang pera, ni hindi nga siya nagtatabi ng para sa kanya, ang mommy niya ang humahawak ng lahat ng kinikita niya.

Kuwento ng aming source, “Very generous si ____(pangalan ng female performer) sa family niya. Kahit wala siyang naiipon, basta masaya ang pamilya niya, okey na siya.

“Ano ba namang nu’ng kasagsagan ng kasikatan niya at pagkita nang malaki, e, kumuha siya ng para sa kanya, di ba? Pero hindi niya ‘yun ginawa, okey nang meron siyang pambili ng mga kailangan niyang gadgets, mommy niya ang humahawak ng perang pinaghihirapan niya.

“Ganu’n siya kasimple. Hindi siya nasilaw sa dolyares na kinikita niya. Basta, wala siyang pakialam sa pinagpapaguran niyang datung!” simulang kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos nang ilang taon ng pamamayagpag ng female performer ay saka lang siya natutong magtanong. Nasaan na ang perang pinaghirapan niya? Saan ‘yun napunta?

Balik-kuwento ng aming source, “Naisipan niyang magtanong at mag­hanap. Natural, dahil siya ang nagpakahirap na magpagod at magpuyat para sa amount na hinahanap niya, naglakas-loob siyang magtanong.

“Pero nag-uumpisa pa lang siyang magtanong, e, barado na agad siya. Nagtaas ng boses ang kausap niya na ikinawindang niya, sa totoo lang! Ang sabi agad ng tinanong niya, ‘E, kung ipaluwa ko sa iyo ang lahat ng kinain mo mula nu’n hanggang ngayon?’

“Nalungkot siya. Umiyak siya nang umiyak. Ang tanging nasabi niya sa kaharap niya, ‘Masama po ba akong magtanong at maghanap?’

“Oo raw, dahil parang nagdududa siya! Oo raw, dahil parang sinasabi niya na niloko siya! Du’n na nagsimula ang problema nila ng family niya.

“Nagsarili na siya, humiwalay na siya ng tirahan, du’n na rin niya natikman ang masasakit na salita mula sa family niya. Du’n na lumaki nang lumaki ang gap nilang mag-ina!

“Nakakaawang singer, halos malagutan na siya ng litid sa pagkanta, halos sa eroplano na siya natutulog sa kalilipad nila para mag-show, nauwi naman pala sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan niya!” pagtatapos ng aming source na iling na lang nang iling.

Ubos!

Derek walang kaangasan kahit anak mayaman!

Pagdating sa word of honor ay palaging isang personalidad lang ang pumapasok sa aming isip. Si Derek Ramsay. Napakahalaga sa kanya ng palabra de honor. Ng paninindigan.

Ilang proyekto na ang pinakawalan niya dahil sa kontrata niya sa TV5 na hindi pa tapos. May mga artistang mambabalewala na lang sa ganu’n, pero ibang-iba si Derek, marespeto siya sa kanyang mga katransaksiyon.

Du’n din namin pinupuri ang kanyang manager na si Joji Dingcong, mapagpahalaga rin ito sa mga kontratang pinapasok nila ng kanyang alaga, puwede naman itong magpaalam pero hindi nito ginagawa.

Tinatapos muna ni Derek Ramsay ang kanyang pananagutan sa anumang kumpanya, hindi siya mapaparatangan ng kawalan ng loyalty, ang TV5 ang makapagpapatotoo kung gaano kamarespeto si Derek.

Maaaring totoong pipirma na ng kontrata sa GMA-7 ang guwapo at magaling na aktor, ibig sabihi’y malaya na siya sa anumang nakaraang pananagutan niya, panahon na para bumawi si Derek ngayon sa kanyang karera.

Hanggang ngayon ay parang naririnig pa rin namin ang mga papuri ng mga dating nakatrabaho ng aktor. Professional siya. Walang arte sa katawan. Marunong siyang makisama sa set hanggang sa mga utility.

Bibihira lang ang tulad ni Derek Ramsay na mula sa taal na maya­mang pamilya pero walang kaangasan. Hindi na niya kailangang magtrabaho dahil sobra-sobra pa sa pangangailangan niya ang puwedeng ibigay ng kanyang pamilya pero mas gusto niyang pagpaguran ang kung anumang meron siya.

Sana nga ay matuloy siya sa GMA-7. Sabik na ang mga kababayan natin na makapanood ng proyektong si Derek Ramsay ang bumibida.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with