^

PSN Showbiz

PNP tumulong para sa pagbabalik ng sikat na ‘Sunset’

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
PNP tumulong para sa pagbabalik ng sikat na �Sunset�

SEEN: Magkakasabay na nag-renew kahapon, January 29, 2019, ng kontrata sa ABS-CBN sina Jolina Magdangal, JM De Guzman at ang Viva Artists Agency stars na sina Bela Padilla at Yassi Pressman.

SCENE: Isang teleserye ang next project ni Bela sa ABS-CBN habang naghihintay  ng pelikula na pagbibidahan niya.

SEEN: Magsisimula sa February 15 ang shooting ng Untrue, ang first movie team up nina Xian Lim at Cristine Reyes. Kukunan sa Georgia ang mga eksena ng pelikula ng Viva Films na mula sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

SCENE: Nagpatubo ng bigote at balbas si Xian  para sa karakter na gagampanan niya sa Untrue. Makikita ang new look ni Xian sa guestings at mall shows nila ni Louise delos Reyes para sa pelikula na Hanggang Kailan na showing sa February 6.

SEEN: Nagtagumpay ang Duterte administration sa unang araw ng paglilinis nito sa Manila Bay na dinarayo ngayon ng mga turista. Kasabay ng unti-unting paglinis ng Manila Bay ang pagbabalik ng lost glory at world famous sunset ng Manila Bay na immortalized sa hindi na mabibilang sa daliri na local movies.

SCENE: Tumulong ang 192,000 members ng Philippine National Police sa paglilinis ng mga basura sa Manila Bay. Maglalagay ang DILG ng mga CCTV camera sa paligid ng Manila Bay para mahuli ang mga nagtatapon ng basura. Sa dami ng mga naging pangulo ng Pilipinas, si President Rodrigo Duterte lang ang nakaisip sa rehabilitation ng naghihingalo na Manila Bay.

SEEN: Magkakaroon ng co-production venture ang Star Cinema sa isang film company sa South Korea pero tumanggi pa ang mga executive na sabihin ang mga pangalan ng mga local star na kasama sa mga magbibida sa malaking proyekto.

SCENE: Nakaburol ang labi ng Filipino rock icon na si Joey ‘Pepe’ Smith sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque City. Cardiac arrest ang ikinamatay ni Smith sa edad na 71 noong Lunes.

SEEN: Ginanap kagabi sa Viva Films office ang story conference ng Just A Stranger, ang pelikula na pagbibidahan nina Anne Curtis, Marco Gumabao at Edu Manzano. Kukunan sa Germany ang mga eksena ng bagong pelikula ni Jason Paul Laxamana.

vuukle comment

MANILA BAY CLEANUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with