^

PSN Showbiz

Binoy: Pagboykot sa pelikulang 'Bato' makaaapekto sa mga manggagawa

James Relativo - Philstar.com
Binoy: Pagboykot sa pelikulang 'Bato' makaaapekto sa mga manggagawa
Kuha nina Robin Padilla at direktor ng pelikula na si Adolfo Alix Jr. sa Instagram post ng aktor.
Instagram/Robin Padilla

MANILA, Philippines — Binweltahan ng "bad boy" ng pelikulang Pilipino na si Robin Padilla ang mga nananawagan ng boykot sa pelikulang "BATO: The Gen. Ronald dela Rosa Story."

Sa kanyang paskil sa Instagram kahapon, sinabi ni Binoy na direktang tatamaan nito ang mga manggagawang nagtrabaho para maisakatuparan ang palabas.

"Pakiusap namin sa mga rebolusyonaryo sa kabilang ibayo na mag isip din kayo bago kayo umaksyon at magsalita dahil kilala niyo rin kung sino ang mga maliliit sa mundo natin," sabi ng aktor.

Aniya, hindi raw dapat maging "biktima ng pulitika" ang mga taong naghahanap lang ng trabaho.

"Ang mga nasa likod po ng Pelikula ay mga taong hindi palara! Silay hindi sumasamba sa piso at silay ay sobrang mga simpleng tao. Karamihan po dyan ay self employed hindi mga regular sa madaling salita isang kahig isang tuka rin."

Humaharap sa kontrobersiya ang pelikula dahil tatalakayin nito ang kwento ng buhay ni dating Philippine National Police chief Ronald "Bato" dela Rosa na nanguna sa gera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Tatakbo para sa pagkasenador si Dela Rosa ngayong 2019 at pinalitan naman ni PNP chief Oscar Albayalde.

"Napakahirap po ng buhay pelikula wala pong pinakamahirap na trabaho at pinakadelikado kundi ang paggawa ng pelikula," dagdag ng aktor na dati nang nakulong para sa kasong illegal possession of high-powered firearms.

Nabigyan siya ng conditional pardon taong 1998 at muling naging aktibo sa pinilakang tabing.

Binigyan naman siya ng absolute pardon ni Digong taong 2016.

Hinamon naman ni Robin ang mga kritiko ni Dela Rosa na gumawa na lang ng pelikula na nakasentro sa buhay ng mga tutol sa pangulo. Sa ganoong paraan ay makapagbibigay pa raw sila ng trabaho.

"Ang pinakamainam nga ay himokin niyo si [Sen. Antonio] trillanes o si [Magdalo Rep. Gary] alejano na gawin din ang mga buhay nila para may mga taga pelikula na magkatrabaho at may maiuwi sa pamilya nilang sueldo," wika ni Padilla.

Nanindigan si Binoy na hindi dapat maging dahilan ang prinsipyo para mamatay ang hanapbuhay ng mga nasa industriya.

"Kung gusto niyo ng laban hindi dapat tayo maghiwalay at maging daan para ang industriya ay malaglag. Fight for Labor laws! Sama sama tayo!" sabi niya.

Ilan sa mga nauna nang nagpahayag ng disgusto sa pelikula ay si direk Carlos Siguion-Reyna.

Sinabi ni Siguion-Reyna na posibleng mailagay ng pelikula sa paborableng posisyon sa eleksyon si Dela Rosa.

"If one makes a biopic about a candidate running in an upcoming midterm senatorial election, and promotes it for release five months before said election, a release which may or may not boost that candidate’s ranking to the top twelve in political surveys, do you call that 'pelikula lang ito, walang politika'?" ayon kay Siguion-Reyna.

Hindi na raw dapat magulat ang mga sangkot sa paglikha nito na aani ito ng reaksyon dahil maituturing daw itong "political act."

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

MOVIE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with