^

PSN Showbiz

International Artist mas kinababaliwan na ng mga pinoy

Pilipino Star Ngayon
International Artist  mas kinababaliwan na ng mga pinoy
Josh at Michael

Grabe may naka-schedule na concert sa bansa ang international artists na sina Josh Groban and Michael Bubble.

Si Josh Groban ay sa February 22 at si Michael Buble ay sa April pa.

Ang expensive ng ticket ng concert ni Buble -  SVIP - P21,650; VIP - P19,540; Patron - P16,370; Lower Box A - P11,090; Lower Box B - P8,980; Upper Box - P5,810; General Admission - P2,640.

Habang si Bubble ay wala pa akong nakikitang presyo ng mga ticket pero siguradong expensive din ‘yun.

Gumagastos ang mga mahihilig sa concert sa mga international artist natin at balewala ang halaga sa kanila.

Ito ay bukod pa sa mga kinababaliwan ng maraming Pinoy na K –pop artists.

Kaya tuloy ang mga local artist natin, hindi na nakakapag-concert sa malalaking venue. 

Ang ibang singer nga natin sa social media na lang ang career bilang doon na nga lang ang option nila.

Nobelang tungkol sa kabataang may hiv mapapanood sa iwant

 Isang orihinal na seryeng magpapakita sa mga karanasan ng apat na kabataang may human immunodeficiency virus (HIV) ang mapapanood sa iWant, ang streaming service ng ABS-CBN.

Base sa nobelang Mga Batang Poz ng Palanca-winning writer na si Segundo Matias, Jr. ang six-part digital series ay ipoprodus ng Dreamscape Digital. Ayon sa manunulat, layunin ng libro na palawigin sa publiko ang kaalaman tungkol sa HIV at kung gaano na karaming kabataan ang naaapektuhan nito.

 “’Nung simulan ko ito, nalaman ko ang data at doon na ako naging seryoso. Personally, naging responsibilidad ko bilang manunulat na gawin ito, dahil ang literature ay malaki ang impluwensya sa nakakabasa. Sabi ko, kailangan kong ituloy ito para sa kabataang Pilipino,” ayon kay Matias.

Ang Pilipinas ang isa sa mga bansa kung saan pinakamarami ang naitatalang kaso ng HIV sa buong Asia-Pacific region, ayon sa Department of Health. Pabata rin nang pabata ang nakakakuha ng naturang virus, partikular na ang mga Pinoy na may edad 15 hanggang 24, base sa datos ng Philippine National AIDS Council.

Bukod sa HIV awareness, nais ding ibahagi ni Matias ang adbokasiyang labanan ang stigma o panghuhusga sa mga “poz” o taong may HIV.

 “Ito ay nobela ng pag-asa. Hindi ka mamamatay, pwede mong ipagpatuloy ang buhay at pangarap mo kahit may HIV ka, basta magpa­tingin ka, magpagamot ka. Ang kalaban mo lang talaga ang stigma. ‘Yun ang gustong iparating ng nobela – tuloy ang buhay,” dagdag pa niya.

Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebis­yon, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dreamscape Entertainment sa Dreamscape Digital. Ang Dreamscape Digital ang nagprodus ng trending movie na Glorious at ang The Gift na napapanood na ngayon nang libre sa iWant.

GMA magpapalabas ng Chinese Fantasy-Action-Drama

Mapapanood na simula ngayong gabi ang pinakabagong fantaseryeng handog ng GMA na Fire of Eternal Love.

Iikot ang kwento ng Chinese fantasy action drama series sa politikal at personal na buhay ng mga mamamayan ng iba’t ibang sekto sa mundo ng martial arts.

Itinatampok ng serye sina Dilraba Dilmurat bilang Lie Ruge, ang tagapagmana ng Liehuo Pavilion na may mabu­ting puso; Vic Chou bilang Yin Xue, isang lalaking propesyonal sa martial arts na gagawin ang lahat upang maprotektahan si Lie Ruge; Vin Zhang bilang Zhan Feng, ang kababata ni Lie Ruge; at si Liu Ruilin bilang Yu Zihan, ang matapat na kasa-kasama ni Lie Ruge.

Lumaki si Lie Ruge kasama ang kanyang seniors na sina Zhan Feng at Yu Zihan. Mahuhulog ang loob nina Lie Ruge at Zhan Feng sa isa’t isa. Subalit nang mapansin ni An Yeluo (Lai Yi) na lumakas na ang kapangyarihan ng Liehuo Pavillion, paniniwalain nito si Zhan Feng na ang pinuno ng Liehuo Pavilion ang pumatay sa kanyang ama. Dahil dito, makikipaghiwalay si Zhan Feng kay Lie Ruge kaya’t mapapalapit ang dalaga kay Yin Xue.

Alamin yan sa Fire of Eternal Love, simula Enero 28 (Lunes), 8:50am sa GMA Network. 

 

vuukle comment

JOSH GROBAN

MICHAEL BUBBLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with