^

PSN Showbiz

John Michael at John Mark, pinakabagong Grand Finalists ng TNT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang JM ang pinangalanang pina­kabagong grand finalists ng Tawag ng Tanghalan matapos makuha nina John Michael Dela Cerna at John Mark Saga ang boto ng publiko at mga hurado sa isang linggong Quarter 2 semifinals na nagtapos sa It’s Showtime noong Sabado (Enero 26).

Nakatanggap ang dalawang singer ng standing ovation mula sa mga hurado at tuloy na nga ang pag-abante sa susunod na bahagi ng kumpetisyon. Sa semifinals, nagtamo si John Michael ng pinakamataas na combined score mula sa madlang people text votes at hurado scores na 98.40%. Samantala, hindi rin nagpahuli ang ikalawang TNT Record Holder na si John Mark na nakakuha naman ng 70.09%

Parehong nag-uwi ng tig-P150,000 si John Michael, na mula Davao City, at si John Mark na galing namang Dasmariñas, Cavite.

Matinding preparasyon din ang kanilang pagdaraanan para sa huling tapatan, kung saan tampok din ang grand finalists na sina Ranillo Enriquez at ang kauna-unahang TNT Record Holder na si Elaine Duran.

Tuloy-tuloy ang sorpresa ng It’s Showtime para sa madlang people dahil nagsi­mula na ang countdown para sa ikasampung anibersaryo nito na magaganap sa Oktubre.

Isa sa mga handog nito ang grand finals ng Miss Q and A InterTALAKtic 2019: The Final Talak… Vaklang Twooo! na magaganap na sa Pebrero 23, kung kailan mapuputungan na ng korona ang bagong reyna at ultimate talakera ng kumpetisyon.

Ngunit bago ito, dalawang linggong pasabog ang masasaksihan sa “resbek week” na magsisimula sa Pebrero 9 at ang semifinals week naman na gaganapin simula Pebrero 16.

Patuloy na subaybayan ang pasiklaban sa kantahan sa Tawag ng Tanghalan, sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).

vuukle comment

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with